News Releases

English | Tagalog

Mga mag-ama nanalo ng jackpot, Vice naging emosyonal sa “Everybody, Sing!”

June 20, 2023 AT 05:55 PM

Unang grupong nanalo ng mahigit P2 million jackpot prize

 

Umulan ang suwerte sa Father’s Day nang nasungkit ng mga mga-amang songbayanan ang P2,140,000 jackpot prize at ang unang grupong nanalo sa ikatlong season ng “Everybody, Sing!” noong Linggo (Hunyo 18).

Sa jackpot round, ang mga kalahok ay may 115 segundo para hulaan ang 13 na kanta. Sa natitirang 12 segundo, matagumpay nilang nahulaan ang huling kantang "Paano Ba Ang Magmahal," kung kaya’t naiuwi nila ang P2 milyon noong Linggo kasama ang P140,000 na premyo noong Sabado.

"'Yung pagmamahal niyo sa inyong mga anak, at sa inyong mga ama ang nagdala sa inyo rito at 'yan ang susi kung bakit kayo sinuwerte at nanalo," sabi ni Vice Ganda.

Samantala, naging emosyonal si Vice nang maalala ang sariling ama.

"Ang swerte-swerte niyo kasi kasama niyo ngayon 'yung tatay niyo, di ba. Kasi minsan nagwi-wish ako na sana nandito 'yung tatay ko para makita niya kung gaano karami 'yung tao sa concert ko," pahayag niya.

Wish din niya na nandoon pa rin ang kanyang ama para saksihan ang kanyang tagumpay sa kanyang career.

“Sana nandito 'yung tatay ko para makita niya kung gaano karami 'yung pumipila sa pelikula ko. Sana nandito 'yung tatay ko para napapanood niya 'yung 'Showtime' kung gaano kasaya pero puro sana na lang," dagdag pa niya.

Abangan ang “Everybody, Sing!” tuwing weekend sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, iWantTFC, at TFC IPTV.

Para sa pinakabago sa “Everybody, Sing!” i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE