News Releases

English | Tagalog

Marina Summers at Viñas Deluxe, pangungunahan ang pride concert na "One Night Only"

June 20, 2023 AT 04:13 PM

Marina Summers and Viñas Deluxe celebrate pride in "One Night Only" concert

A drag-tastic night to remember with Marina Summers and Viñas Deluxe.

BINI, Eva Le Queen, at Maxie Anderson, makikisaya rin ngayong Hunyo 29

Magsasama ang Filipino drag queens na si Marina Summers at Viñas Deluxe para sa makulay na gabi ng musika sa kanilang "One Night Only" concert na gaganapin sa Teatrino Promenade ngayong Hunyo 29 (Huwebes).

Makakasama ng dating "Drag Race Philippines" season 1 contestants na maghatid ng empowering performances bilang selebrasyon ng Pride month ang special guests na sina Maxie Anderson, Eva Le Queen, at ang nation's girl group na BINI.

Dapat abangan ang special numbers ni Marina tampok ang mga kantang “Divine,” “ride 4 me,” at iba pa pang sorpresa. Sinusundan ng kanilang show ang pagbida ni Marina sa isang New York Times Square billboard bilang representative ng Pilipinas at Southeast Asia sa Spotify Glow campaign.

Samantala, aasahan naman ang bonggang performance ng Drag Pop Misis na si Viñas ng “I’m Feeling Sexy Tonight,” ang kanyang debut single na umani na ng mahigit sa kalahating milyong streams mula sa iba’t ibang platform. Kamakailan ay pinag-usapan din ang “Drag You & Me” star dahil sa impersonation niya kay Mariah Carey sa RuPaul's Drag Con sa Los Angeles na pumalo na sa mahigpit isang milyong views sa TikTok. 

Mabibili ang tickets para sa “One Night Only” sa ktx.ph sa halagang P2,999 (SVIP at meet and greet), P2,499 (VIP), P1,999 (Patron), at P1,499 (Balcony).

Samahan sina Marina at Viñas sa kanilang "One Night Only" concert ngayong Hunyo 29 (Huwebes) sa Teatrino Promenade. Para sa ibang detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE