News Releases

English | Tagalog

KZ naglabas ng kantang "Dito Ka Lang"

June 23, 2023 AT 11:39 AM

KZ drops new song "Dito Ka Lang"

"Dito Ka Lang" will be part of KZ's upcoming album "Soul Supremacy II."

Patikim sa nalalapit niyang “Soul Supremacy II” album
 
Isang bagong soulful love song ang hatid ni KZ Tandingan sa kanyang “Dito Ka Lang” single na inilabas ng Star Music.
 
Si KZ mismo ang sumulat ng kanta na inalay niya sa kanyang asawa na si TJ Monterde noong panahon na nasa tour abroad si TJ habang nanatili sa bansa si KZ.
 
“I rarely write happy love songs as KZ because feeling ko dati mawawala yung pagka-astig ko,” paliwanag niya. “Itong song na ito is the first baby of KZ as an artist embracing what she really feels at the moment.”

 
Ito rin aniya ay tungkol sa lubos na pagmamahal na hindi niya inaasahang matanggap. “It’s about getting the love you think you don’t deserve. Parang feeling mo ‘ano bang ginawa ko to deserve this kind of love?’ And I hope for everybody to experience it.”
 
Inareglo ni Theo Martel at prinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang bagong kanta na may tunog soul, R&B at rap. Ipinadala pa ito sa Amerika para i-mix ng Grammy winner na si Jackie Boom at i-master ng isa pang Grammy winner na si Jett Galindo ng The Bakery LA.
 
Tampok sa ilalabas na music video nito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel sina Kobie Brown at Andi Abaya.
 
Pinag-usapan agad mula nang inanunsyo ang proyektong “Dito Ka Lang” ni KZ na mapapabilang sa upcoming full-length album niya na tatawaging “Soul Supremacy II.” Sinusundan nito ang patok na “Soul Supremacy” album ng “X-Factor Philippines” grand winner na inilunsad ng Star Music taong 2017.
 
Bago ang “Dito Ka Lang,” inilabas ni KZ ang kanyang international singles na “11:59” at “Winning.” Bumida rin ang Kapamilya artist sa New York Times Square billboard noong 2021 para sa EQUAL playlist ng Spotify. Nagsilbi naman siyang isa sa mga coach ng “The Voice Kids Philippines” season 5 na umere ngayong taon.
 
Napapakinggan na ang “Dito Ka Lang” ni KZ sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE