News Releases

English | Tagalog

Sarah, bibida sa Romance Central ng Cinema One ngayong Hulyo

June 30, 2023 AT 03:57 PM

Fall in love with Sarah on Cinema One's Romance Central this July

Fill your Sundays with laughter and love as Sarah shines on Cinema One's Romance Central this July.

Iba’t ibang kwento ng pag-ibig ang ibibida ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa Cinema One ngayong Hulyo.

Saksihan ang Kapamilya actress bilang ang masayahin na si Laida sa “A Very Special Love” (Hul. 2), career woman na si Steph sa “Maybe This Time” (Hul. 9), aspiring singer na si Trixie sa “The Breakup Playlist” (Hul. 16), hopeless romantic na si Roan sa “Catch Me… I’m in Love” (Hul. 23), at bilang mas matapang na Laida sa “It Takes a Man and a Woman” (Hul. 30) na mapapanood sa Romance Central block ng cable channel tuwing Linggo, 9pm.

Samantala, tampok naman ang Kapamilya leading man na si Zanjoe Marudo sa mga pelikulang eere mula Hulyo 24 hanggang 28. Bibida siya bilang isang gay pediatrician na si Christian sa “The Third Party” (Hul. 24), mapagmahal na best friend na si Julius sa “To Love Some Buddy” (Hul. 25), bad boy na si Santiago sa “Malaya” (Hul. 26), twin duo na si Brando at Brandy sa “Bromance: My Brother’s Romance” (Hul. 27), at chef na si Ronnie sa “Kusina Kings” (Hul. 28) na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 7pm.

Kiligin sa mga pelikula ng mga dati at kasalukuyang Kapamilya loveteams ngayong buwan tulad ng “Love You to the Stars and Back” nina Julia Barretto at Joshua Garcia (Hul. 3), “Loving in Tandem” nina Maymay Entrata at Edward Barber (Hul. 10), “Talk Back and You’re Dead” nina Nadine Lustre at James Reid (Hul. 17), “My Ex and Whys” nina Liza Soberano at Enrique Gil (Hul. 24), at “She’s Dating the Gangster” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (Hul. 31) na eere sa Monday Drama tuwing 9pm.

Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa iba pang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.