News Releases

English | Tagalog

Bonding ng "Unbreak My Heart" cast mapapanood sa "UMH: Europe Experience" sa ABS-CBN YouTube

June 06, 2023 AT 09:17 AM

Joshua, Gabbi, Richard, at Jodi may pasilip sa set 

Makisaya kasama ang cast ng “Unbreak My Heart” sa kanilang taping sa Europe sa bagong ABS-CBN YouTube show na “UMH: Europe Experience,” kung saan ipapasilip ang behind-the-scenes bonding kasama ang mga bida ng serye. 

Pangungunahan nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria ang pagbibigay ng tour at pagbabahagi nila ng trivia at masasayang karanasan sa iba’t ibang magagandang lugar sa Switzerland tulad ng Interlaken town at Mt. Pilatus.

Napapanood na ang unang episode sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel kung saan nag-tour sina Joshua at Jodi sa isang world-famous chocolate factory sa Zurich, Switzerland. Tampok sa episode ang kanilang chocolate tasting ng iba’t ibang klaseng tsokolate at ibinahagi rin nila ang nakakaaliw na mga trivia tungkol sa paggawa ng tsokolate.

Sasabak din ang cast sa mga masasayang activities tulad ng food trip, bag raid, skydiving, at ang ‘100 Euro challenge’ kung saan mag-iikot at mamimili sila sa iba’t ibang lugar sa Milan, Italy. Magkukwento rin sila tungkol sa hindi nila malilimutang mga bonding at chikahan kasama ang kanilang mga co-star. May bagong episode na ipapalabas kada Biyernes ng 7 PM.

Panoorin ang “UMH: Europe Experience” at mag-subscribe sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.