News Releases

English | Tagalog

Lian Dyogi, pinapahalagahan ang oras sa kantang "Only Have Today"

June 09, 2023 AT 10:10 AM

Lian Dyogi underscores value of time in new single "Only Have Today"

Listen to Lian Dyogi's new single "Only Have Today" available on various streaming platforms.

Hatid ni Lian Dyogi ang ligaya na mahanap ang ‘the one’ sa kabila ng kawalan ng kasiguruhan sa mundo sa bago niyang kanta na “Only Have Today.” 

“Inspired by long-distance love in the pandemic, this electro-pop track is a call to be brave in each imperfect fleeting moment,” paliwanag ni Lian na mismong sumulat ng kanta katulong ang Grammy-nominated producer na si Lugo Gonzalez at Grammy-nominated artist na si Alih Jey. 

Unang nakilala sa kanyang dating stage name na Lian Kyla, hindi niya naisip na makakasama siya sa industriya kung saan ang kanyang ama at Star Magic head na si Laurenti Dyogi ay kabilang. Taong 2018 lamang nang nagsimula ang kanyang karera sa music industry noong napanood ng record producer na si Jonathan Manalo ang kayang cover na ibinahagi ni Direk Lauren sa Facebook.

Bukod sa pagiging mang-aawit, isang songwriter-producer din si Lian. Nais ihatid ng Star Magic artist ang mensahe ng self-empowerment sa pamamagitan ng sariling musika. 

Bukod sa pag-ibig na ipinaglalaban, tampok din sa kanta niyang “Only Have Today” ang paalala na piliing gawin ang nasa puso habang may oras pa. 

“Over the past three years, the outbreak taught me that life is short and fleeting. We cannot change that. But as Gandalf said, ‘all we have to decide is what to do with the time that is given us,’” ani Lian. 

May halong Asian instruments, Latin-inspired beats, catchy melodies, at ilang Filipino lyrics ang “Only Have Today.” 

Pakinggan ang “Only Have Today” single ni Lian na available na ngayon sa iba’t ibang music platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE