News Releases

English | Tagalog

JC Alcantara, puring-puri ng netizens bilang drag queen

June 09, 2023 AT 05:21 PM

JC magaling magpakilig kina Andrea at Christian

Pinaulanan ng papuri ng netizens ang pagganap ni JC Alcantara bilang parehong lalaki at isang bonggang drag queen sa serye ng iWantTFC na “Drag You and Me,” na pinagbibidahan din nina Andrea Brillantes at Christian Bables. 

Dalawang personalidad ang ginagampanan ni JC bilang ang barakong lalakeng si Jason sa umaga, at ang naggagandahang drag queen na si Shania Lacroix sa gabi. Isinisikreto kasi ni JC ang pagiging drag queen sa takot niyang hindi siya tanggapin ng kanyang pamilya na puro mga homophobe. 

Bilib na bilib ang netizens sa kapanipaniwala na pag-arte ni JC bilang isang drag queen, na kumpleto sa bonggang make-up at mga enggrandeng outfit. Marami rin ang natutuwa sa nakakakilig na mga eksena ni JC kasama sina Betty (Andrea) at Charlie (Christian), na pareho ring mga drag queen.  

Sa mga susunod na episode, dapat abangan ng mga manonood kung paano lalalim ang relasyon nina Jason at Betty, at kung papaano mababaliw sa selos si Charlie, na siya ring matalik na kaibigan at drag mother ni Jason. 

Mapapanood ang bagong episodes ng “Drag You and Me,” na mula sa iWantTFC, ABS-CBN Entertainment, at Dreamscape Entertainment, kada Biyernes ng 8 PM sa iWantTFC app (iOs at Android) o website. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-follow ang www.facebook.com/iWantTFC at @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, mag-e-mail sa support@iwanttfc.com

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE