News Releases

English | Tagalog

Abangan ang mga fresh pasabog ni Sarah G at SB19, pati ang pa-birthday ni Belle Mariano sa 'ASAP Natin 'To'

June 09, 2023 AT 01:33 PM

Catch Sarah G and SB19's freshest treats, plus Belle's birthday celebration on 'ASAP Natin 'To'

Catch the freshest treats from today's OPM powerhouses, Sarah G and SB19, plus a birthday treat from Belle Mariano this Sunday on "ASAP Natin 'To"

May dancefloor tapatan din sina Kim, Maymay, at Melai, habang sanib-pwersa naman ang paborito ninyong Pinoy rappers
 
Ipagdiwang natin ang sariling atin sa proudly Pinoy concert experience mula sa paborito ninyong weekend viewing habit, tampok ang mga bagong pasabog ni Sarah G at SB19, pati ang bonggang birthday celebration ni Belle ngayong Linggo (Hunyo 11) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Damang-dama ang OPM power sa fresh pasabog ng pambansang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, habang full-force din ang paborito ninyong P-Pop act na SB19 sa kanilang new single performance.
 
Maliban sa maagang celebration ng Independence Day, may pa-birthday blowout din ang multi-talented Kapamilya leading lady na si Belle Mariano.
 
Taas-noo nating ipagmalaki ang sariling atin sa Pinoy rap hits performances nina Abra, Elmo Magalona, Smugglaz, Kritiko, at Crazy as Pinoy trio nina Bassilyo, Crispin, at Sisa kasama sina Chie Filomeno, Seth Fedelin, Edward Barber, Krystal Brimner, at ang buong ASAP family with Robi Domingo, na may special appearance din ng ating mga pambatong medalist sa nagdaang SEA Games.
 
Abangan din ang mainit-init na dancefloor tapatan nina ASAP dance royalty Kim Chiu, Maymay Entrata, at momshie Melai Cantiveros, pati ang soulful divas biritan nina Zsa Zsa Padilla, Nina, Juris, at Regine Velasquez.
 
Bago ang kick-off ng inaabangang 1MX global Pinoy music-fest sa London, makikanta muna kasama ang headliner nitong si Janine Berdin na sasayabayan din nina Anji Salvacion, Kice, Jeremy G, Angela Ken, Nyoy Volante, at Kyle Echarri. 
 
May ASAP pasabog din sa Madlang People ang Hashtags na sina Jameson Blake, Zeus Collins, Jimboy Martin, Charles Kieron, at Tom Doromal sa kanilang tapatan kasama ang buong pwersa ng "It's Showtime" Baby Dolls.
 
Tuloy-tuloy ang proudly Pinoy concert experience sa panibagong all-champions biritan nina Angeline Quinto, Jona, Jed Madela, Jason Dy, Elha Nympha, Khimo Gumatay, JM Yosures, Sam Mangubat, Marko Rudio, Lucas Garcia, Reiven Umali, Lara Maigue, Bryan Chong, Fana, Lyka Estrella, and ANNRAIN.
 
Maki-hugot din sa heartbreak hits kantahan nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Darren, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."
 
At maliban sa mga proudly Pinoy treats na ito, abangan din ang bonggang announcement mula sa inyong ASAP family.
 
Tara at makisaya sa all-star Pinoy party ng longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
 
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.