News Releases

English | Tagalog

"Idol PH" winner Khimo, naglabas ng debut single na "Nasunog"

July 12, 2023 AT 09:59 AM

"Idol PH" S2 winner Khimo introduces debut single "Nasunog"

Khimo's debut single "Nasunog" serves as a first taste of his upcoming album.


Inilabas na ng “Idol Philippines” season 2 grand winner na si Khimo Gumatay ang kanyang unang single na pinamagatang “Nasunog” bilang patikim sa nalalapit niyang album.
 
Tungkol ang “Nasunog” sa pagmamahal sa isang tao nang paulit-ulit kahit pa nawala na ang lahat. Si Khimo mismo ang sumulat ng kanta katulong sina ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo na producer din nito at Star Pop label head Rox Santos.
 
Makakasama ang mapanakit na R&B single sa album ni Khimo na kanyang binubuo simula Enero ngayong taon at magtatampok sa original compositions niya.
 
Nagsimula sa musika ang baguhang Kapamilya singer-performer at dating tattoo artist sa edad na 7 taong gulang nang magkaroon siya ng sariling gitara at mahulog ang loob niya rito. Kasama sa hilig niya ang funk, neo soul, R&B, at blues music.
 
Nasa junior high school naman siya noong magsimulang sumulat ng mga kanta. “Mahilig akong sumulat ng tula. Bakit di ko siya i-translate into song composition? So, ayun nga ang nagdrive sa akin,” kwento niya.
 
Ngayon na tuluyan na niyang pinasok ang recording industry, nagbalik-tanaw siya kung paano nabago ng “Idol PH” ang kanyang buhay.
 
Aniya, “Sobrang nagbago kasi ginagawa ko na yung bagay na sobrang gusto ko, which is performing sa maraming tao and doing music.”
 
Pakinggan ang “Nasunog” single ni Khimo na available na ngayon sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa FacebookTwitterInstagramTiktok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookTwitterInstagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE