News Releases

English | Tagalog

JM, Carmen, Richard Quan at iba pa, magdadag-tensyon sa bagong season ng “The Iron Heart”

July 12, 2023 AT 10:14 PM

JM, Carmen, Richard Quan, and others bring more fire power and world-class action scenes in new season of "The Iron Heart"

New cast members JM de Guzman, Carmen Soo, Fabio Ide, Richard Quan, Ruby Ruiz, Igi Boy Flores, Anna Luna, Ruben Soriquez, Krystal Brimner, Cris Villanueva, and Alex Medina will make the story more exciting, compelling, and complex

"Iron Heart" umani na ng lampas 300 milyon views mula sa iba't ibang social media platforms...
 
Mas titindi ang bakbakan at tensyon sa ikalawang season ng hit aksyon serye na "The Iron Heart," na umani ng higit 300 milyong views sa Facebook, Instagram, Tiktok, at Twitter, sa pagpasok ng mga bagong karakter sa buhay ni Apollo (Richard Gutierrez). 
 
Hindi nga natatapos ang pasabog ng serye sa pagpasok nina JM de Guzman, Carmen Soo, Fabio Ide, Richard Quan, Ruby Ruiz, Igi Boy Flores, Anna Luna, Ruben Soriquez, Krystal Brimner, Cris Villanueva, at Alex Medina sa bagong season na puno pa rin ng kaabang-abang na world-class action scenes. 
 
Bida ni JM na mabilis siyang nag-adjust sa kanyang bagong role sa serye sa tulong ng kanyang co-stars. 
 
"Sobrang grateful po ako to be part of the Iron Heart. Noong nagka-eksena na po kami, sobrang generous nila ni Jake at Richard. Sobrang welcoming nila sa set," sabi niya. 
 
Sa panibagong season, isang misyon muli ang papasukin ni Apollo sa pagpasok ng Altare na nagsisimula ng guluhin ang bansa kasama ang pagpatay nito sa kaibigan niyang si Juno (Meryll Soriano). 
 
Mukhang hindi naman siya mag-iisa sa hamon dahil nariyan si  Harmonia (Carmen Soo) na gusto siyang kunin bilang agent para pabagsakin din ang nasabing organisasyon.  
 
Hindi naman malinaw kung magiging kakampi o kaaway si Menandro (Ian Veneracion) lalo pa na pinagdududahan siya ni Harmonia na may kauganyan sa Altare. Pati naman sina Selene (Dimples Romana), Orcus (Christian Vasquez) at bagong nitong kasapi na si Darron (Fabio) ay hindi nakatakas sa hagupit ng grupo lalo pa at kinukuha sila ni Altas, isa mga lider ng grupo na sumali rin sa ogranisasyon.
 
Sa kabilang banda, nalalapit naman ang loob ni Hector sa relihiyon kung saan lider si Brother Orion (JM de Guzman) kasama sina Cora (Ruby Ruiz), Koa (Alex Medina), Hera (Anna Luna). 
 
Alamin kung ano ang madidiskubre ni Apollo sa Altare at sa Yusebeia? Huwag din palampasin ang magiging papel ng mga karakter nina Igi Boy,Krystal, Ruben, at Cris sa bagong season ng serye. 
 
Ayon sa creative manager ng serye na si Jay Fernando, asahan pa rin ang world-class action scenes na tinangkilik ng manonood at mas patitindihin pa nila ito sa pagbulatlat nila ng karakter ni Apollo at ng kanyang panibagong misyon. 
 
"Medyo lumalalim yung kwento ng 'Iron Heart.' From the very beginning, 'Iron Heart' has always been about right or wrong, doing right or wrong for Apollo and the other characters. Now it has been more complex because right and wrong is not simple as what Apollo's character thought it was," saad ni Jay. 
 
Bukod naman sa mga bagong karakter, naglabas na rin ng Star Creatives ng pasilip sa bagong bersyon ng kanilang themesong na "Sino Ka Ba?" na kinanta ng SB19 members na sina Josh Cullen at Pablo. 
 
Tutukan ang "The Iron Heart," 8:45PM sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, Jeepney TV, and TFC IPTV.