News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, wagi ng apat na parangal sa 2023 Asia-Pacific Broadcasting+ Awards sa Singapore

July 17, 2023 AT 12:12 PM

ABS-CBN wins four awards at the 2023 Asia-Pacific Broadcasting+ Awards

ABS-CBN won the Excellence Award for OTT platform for iWantTFC, Innovation Award for Audio Description, Broadcast Innovation Award, and Innovation Award for Cloud-Playout Migration. Congratulations and maraming salamat, Kapamilya!

Umani ng apat na parangal ang ABS-CBN sa unang Asia-Pacific Broadcasting+ Awards na layuning kilalanin ang mga proyekto na nagpamalas ng husay at pagbabago sa broadcasting sa larangan ng teknolohiya, digitalization, at engineering.  

Nakamit ng ABS-CBN News ang Broadcast Innovation award para sa “OB Ranger Project” nito na nakatulong upang mapanatili ng kumpanya ang multi-camera live coverage mula sa field na walang dagdag na gastos sa pamamagitan ng paggamit ng lumang equipment.  

Nagwagi rin ang iWantTFC ng Excellence Award for OTT Platform sa pagtugon nito sa viewing habits ng mga manonood saan man sa mundo, habang nakamit ng ABS-CBN Global at ABS-CBN Broadcast Technology team ang Innovation Award for Cloud-Playout Migration na natugunan naman ang mga traditional playout problem gamit ang iWantTFC na wala ring dagdag gastos. 

Nag-uwi rin ang subsidiary ng ABS-CBN na Big Dipper ng Innovation Award for Audio Description sa pagbibigay ng maganda at inclusive na viewing experience sa mga manonood na may kapansanan sa paningin.  

Sina head of ABS-CBN Digital News Gathering Val Cuenca, Operations Desk editor Kerchlynn Tan, at head of ABS-CBN Media Engineering Patrick Ongchangco ang tumanggap ng mga parangal ng ABS-CBN. 

Ang Asia-Pacific Broadcasting ang nasa likod ng Asia-Pacific Broadcasting+ Awards na ginanap noong Hunyo 8 sa Crowne Plaza, Changi Airport sa Singapore.  

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.