News Releases

English | Tagalog

Abangan ang live showbiz anniversary celebration ni Pops at birthday pasabog ni Sarah G sa 'ASAP Natin 'To'

July 21, 2023 AT 11:29 PM

Celebrate Pops' showbiz anniversary live and Sarah G's birthday on 'ASAP Natin 'To'

The country's Concert Queen, Pops Fernandez, makes her much-awaited ASAP comeback LIVE for her showbiz anniversary, plus a birthday celebration comes your way from Popstar Royalty, Sarah G, on "ASAP Natin 'To"

May sorpresa rin ang cast ng 'Pira-Pirasong Paraiso' at 'Nag-Aapoy habang may collab naman sina Darren at Morissette

Live na live muli ang paborito ninyong weekend viewing habit, hatid ang mga bigating selebrasyon mula sa nagbabalik-ASAP na si Pops Fernandez pati Sarah G, at marami pang ibang sorpresa ngayong Linggo (Hulyo 23) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Matapos ang ilang taon, nagbabalik ang pambansang Concert Queen at OG ASAP icon na si Pops Fernandez bilang pagdiriwang sa kanyang 40th anniversary sa showbiz, na sasabayan ng kinagigiliwang divas na sina Morissette, Klarisse de Guzman, at Jona pati OPM icons na sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at Martin Nievera na may sorpresa rin mula kina Dayanara Torres at Ariel Rivera.

Hindi rin pahuhuli ang bigating birthday pasabog ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo habang tuloy-tuloy ang selebrasyon sa early International Friendship Day treat nina Kim Chiu, Jeremy G, Jameson Blake, Fana, Babydolls, at ang buong ASAP family with Robi Domingo at Edward Barber.

Bago naman painitin ng ABS-CBN at TV5 ang inyong mga hapon, sama-sama muna sa ASAP stage ang stars ng mga bago nitong afternoon serye, tampok ang back-to-back pa-sorpresa ng "Pira-Pirasong Paraiso" cast sa pangunguna nina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Elisse Joson, Alexa Ilacad, KD Estrada, Ronnie Alonte, at Joseph Marco na may theme song performance mula kay Regine, na susundan nina Jane Oineza, JC de Vera, Tony Labrusca at kanilang co-stars sa "Nag-Aapoy na Damdamin" na sasabayan din ng pag-birit ni Lyka Estrella.

Patuloy ang pag-init ng dancefloor sa "Clash Dance" tapatan nina Jackie Gonzaga at Chie Filomeno, pati ang maaksyon na hatawan nina AC Bonifacio, Kyle Echarri, at ASAP dance royalty Kim Chiu.

Lalarga rin onstage ang nagbabagang collab nina Darren at Morissette. At makibirit din sa divas hits duets nina Angeline Quinto, Jona, Jed Madela, Klarisse de Guzman, Khimo Gumatay, Katrina Velarde, Sheena Belarmino, JM Yosures, at "Tawag ng Tanghalan: Duets" grand winners na sina Marielle Montellano at JM dela Cerna.

Abangan ang lahat ng ito mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.