News Releases

English | Tagalog

AC, tampok sa New York Times Square billboard

July 24, 2023 AT 02:49 PM

AC illuminates in New York Times Square billboard

Following the release of “4 Myself,” AC Bonifacio graces the cover of Spotify Equal Philippines with a digital billboard in Times Square, New York.

“4 Myself” music video niya, inilunsad din

Bagong achievement ang nasungkit ng new gen dance princess na si AC Bonifacio matapos siyang bumida sa isang Times Square digital billboard sa New York bilang cover ng Spotify Equal Philippines.

"My face is on Times Square? This is insane and definitely a dream come true! Thank you to everyone who's been here with me on my journey," saad ni AC tungkol sa pagkakataon na maging bahagi ng kampanya ng nasabing music streaming service para sa women’s representation sa industriya ng musika.

Kasabay nito, inilabas din ni AC ang music video para sa single na “4 Myself” kung saan tampok ang Kapamilya actor na si Jameson Blake. Ipinamalas niya rito ang kanyang charisma at kumpiyansa sa pagsayaw at ang kwento na tiyak pupukaw sa atensyon ng manonood.

Iba’t ibang feel good anthems na rin ang inilabas ni AC tulad ng “Sumayaw, Sumaya” at “Fool No Mo.” Samantala, ang latest single niya na “4 Myself” ay nanguna sa Spotify Equal Philippines at umarangkada rin sa top 10 ng Spotify Equal Global.

Makisayaw sa tinig ng “4 Myself” music video na napapanood sa ABS-CBN Star Music YouTube channel. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.