News Releases

English | Tagalog

Pops Fernandez, maglalabas ng comeback single

July 26, 2023 AT 02:27 PM

Pops Fernandez to release new song "Always Loved"

Pops' comeback single will be out on digital platforms this Friday (July 28).

Sa pagdiriwang ng kanyang ika-40 taon sa industriya

Maglulunsad si Pops Fernandez ng bagong awitin na pinamagatang “Always Loved” ngayong Biyernes (July 28) bilang selebrasyon ng kanyang ika-40 anibersaryo sa industriya.

Inanunsyo ito ng tinaguriang Concert Queen noong Linggo (July 23) sa “ASAP Natin ‘To” matapos ang special tribute ng programa sa kanya.

Inawit ng Kapamilya singers na sina Jona, Klarisse de Guzman, at Morissette ang ilan sa mga sumikat na awitin ni Pops habang may kani-kaniyang duet naman sina Ogie Alcasid, Erik Santos, at Regine Velasquez kasama siya.

Naging emosyunal si Pops habang nagpapasalamat sa “ASAP” kung saan naging bahagi rin siya bilang isa sa mga naunang host nito.

“ASAP will always be my family. I will always feel that I am part of ASAP. It is very meaningful that I get to celebrate my anniversary here and of course my new song. It means a lot to me,” sabi ng TV host-singer.

Sinulat ni Pops ang “Always Loved” katulong sina Jeremy G, SAB, Trisha Denise, at ABS-CBN Music director Jonathan Manalo, na siya ring nagprodyus ng kanta sa ilalim ng Star Music. Handog ng awitin ang mensahe ng pagmamahal at ligaya na hindi kailangan ang anumang validation.

Mapapakinggan na ang “Always Loved” single ni Pops simula Biyernes (July 28) sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE