News Releases

English | Tagalog

Mr. Pure Energy Gary Valenciano, pumirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN

July 27, 2023 AT 01:34 PM

Mr. Pure Energy Gary Valenciano stays a Kapamilya, renews contract with ABS-CBN

Gary Valenciano alongside his wife Angeli Pangilinan Valenciano, and ABS-CBN executives

Kasabay ng kanyang ika-40 na taon sa showbiz

Mananatiling Kapamilya ang inspiration icon at ang nag-iisang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano matapos pumirma muli ng exclusive contract sa ABS-CBN nitong Martes (Hulyo 25), kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-40 taon sa showbiz.

Para kay Gary, labis niyang pinahahalagahan ang pagiging isang Kapamilya na nagseserbisyo sa mga Pilipino saan mang sulok ng mundo.

"When you say Kapamilya, it's not just a tagline we add to ourselves. It is how we treat each other, and it resonates with how we are with everybody watching. We have to be a Kapamilya to every person, whether Kapatid, Kapuso, or Ka-A2Z. It gave me encouragement to know that after 40 years, there are still many years to look forward to being that exactly—in the service of the Filipino worldwide," saad niya.

Sa loob ng 20 taon, naging bahagi si Gary ng ABS-CBN bilang regular host at performer sa longest-running musical variety show sa bansa na "ASAP Natin 'To." 

Nagsilbi rin siyang judge at mentor sa hit Kapamilya talent shows tulad ng "X Factor Philippines," "World of Dance Philippines," "Your Face Sounds Familiar," "Idol Philippines" at "Tawag ng Tanghalan."

Tampok din ang kanyang boses sa theme songs ng ilang Kapamilya teleserye, kabilang ang "FPJ's Ang Probinsyano," "FPJ's Batang Quiapo," "Tayong Dalawa," "Walang Hanggan," "Sana Maulit Muli," "Ikaw Lamang," at "Kung Tayo'y Magkakalayo." 

ibinahagi rin niya ang kanyang rason kung bakit niya napiling manatili sa ABS-CBN sa kabila ng mga hamong kinaharap nito. Aniya, "We're still here after everything. To some people watching around the world, it's like 'Oh, he's done this before,' but not in this kind of season where you know what we've gone through. Look where we are today, we're literally everywhere. To me, the contract is just a symbol. But even if there was none, I'd think I'll still be here continuing what I believed I'm called to do in this time of my life."    

Maliban sa paghahatid ng musika, nais din ni Gary na makapagbigay inspirasyon sa kabataan sa pamamagitan ng ilang talk sessions katuwang ang ABS-CBN.

At bilang pagdiriwang din sa kanyang natatanging karera sa industriya, maghahatid muli siya ng saya sa kanyang nalalapit na shows, kabilang ang kanyang pagbabalik sa Music Museum sa "Gary V: Back at the Museum" ngayong Agosto pati ang kanyang "Reenergized" tour sa US at Canada mula Setyembre hanggang Oktubre.

Samantala kasama ang kanyang misis na si Angeli Pangilinan Valenciano, pinasinayaan naman nina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO for broadcast Cory Vidanes, at OIC for finance Vincent Paul Piedad ang naganap na pirmahan.

Hindi rin nagpahuli ang tribute ng ASAP performers na sina Darren Espanto, Sheena Belarmino, Jeremy Glinoga, Joao Constancia, at Jameson Blake sa kanilang rendition ng "Hataw Na." Nagsilbi namang hosts ng event sina Robi Domingo at Edward Barber.

Para sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.