News Releases

English | Tagalog

Loisa at Ronnie, may sariling paraiso?

July 28, 2023 AT 10:43 AM

Ibabahagi kay Bernadette Sembrano sa "Tao Po"

 

Ibabahagi ng mga bida ng bagong serye sa hapon ng ABS-CBN at TV5 na “Pira-pirasong Paraiso” na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang kanilang sariling bersyon ng paraiso habang ipinapakita sa mga manonood kung bakit sila ang #RelationshipGoals ng henerasyong ito.

Magkukwento ang magkasintahan na kilala bilang LoiNie ang tungkol sa mga pinagdaanan nila sa anim na taong relasyon sa “Tao Po” ni Bernadette Sembrano ngayong Linggo (Hulyo 30) sa Kapamilya Channel at A2Z.

Itatampok din sa “Tao Po” ang mga pamilya na nakatira sa ilalim ng tulay sa Quezon City at ang kanilang pakikipagsapalaran sa gitna ng mga natural na sakuna at pang-araw-araw na problema. Masasaksihan ng mga manonood ang kanilang buhay sa punto de vista ng maliit na komunidad na ito.

Samantala, isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) naman ang magpapakita ng kanyang dalawang palapag na gusali, na tinitirhan ang kanyang sampung Siberian Huskies, habang ibinabahagi ang kanyang matagumpay na kuwento sa negosyo sa pagpaparami ng malalaking asong ito.

Panoorin ang mga kagiliw-giliw na kuwentong ito ngayong Linggo (Hulyo 30) sa “Tao Po” simula 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel at A2Z.

Para sa iba pang kwento, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.