News Releases

English | Tagalog

Balikan ang non-stop performances nina Ben&Ben, Dilaw, SB19, at Sarah G sa 'ASAP Natin 'To'

July 28, 2023 AT 08:18 PM

Relive the non-stop performances from Ben&Ben, Dilaw, SB19, and Sarah G on 'ASAP Natin 'To'

Catch all these non-stop best-of-the-best acts from the country's longest-running and award-winning musical variety show, "ASAP Natin 'To," this Sunday, 12 NN

Abangan din ang best-of-the-best acts nina Shaina, Belle, Alexa, Janella, at iba pa

Talagang non-stop ang saya sa best-of-the-best party ng inyong paboritong viewing habit, tampok ang mga pinag-usapang performances nina Ben&Ben, Dilaw, SB19, Sarah G, at iba pa ngayong Linggo (Hulyo 30) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Balikan ang new single launch ng Ben&Ben, pati ang chill jamming session nina Ogie Alcasid, Erik Santos, at ng bandang Dilaw. Abangan din ang nag-trending na performance ng SB19 at ang solo pasabog ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Patapos man ang Hulyo ay tuloy-tuloy pa rin ang pride fever sa drag-tastic performance nina Asia's Songbird Regine Velasquez, ASAP dance royalty Kim Chiu, total performers Darren at Kyle Echarri, BINI, at ang buong ASAP family with Robi Domingo at Edward Barber. Maki-throwback din sa disco vibes hatawan nina Maymay Entrata, AC Bonifacio, at OG Supahdance Idol na si Shaina Magdayao.

Tuloy-tuloy ang best-of-the-best hatawan sa "Clash Dance" tapatan nina Kim, Maymay, at momshie Melai Cantiveros.

Kumapit din sa biritan nina Jona, Jed Madela, Jason Dy, Sheena Belarmino, Lara Maigue, ANNRAIN, Khimo Gumatay, JM Yosures, Lucas Garcia, Reiven Umali, Sam Mangubat, Bryan Chong, Lyka Estrella, Elha Nympha, Fana, at Angeline Quinto. 

Balikan din natin ang mga pinag-usapang collab sa ASAP stage, tulad ng kantahan nina Mr. Pure Energy Gary Valenciano kasama ang multi-talented leading ladies na sina Belle Mariano, Alexa Ilacad, at Janella Salvador, pati ang supreme tapatan nina Regine at Asia's Soul Supreme KZ.

At makikanta rin sa paborito ninyong '80s hits kasama sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Gary V, Erik, Angeline, Darren, at Regine sa "The Greatest Showdown."

Huwag palampasin ang non-stop best-of-the-best concert experience na ito mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.