News Releases

English | Tagalog

Vice Ganda inalala ang proposal ni Ion, napaluha sa “Everybody, Sing!”

July 04, 2023 AT 02:33 PM

Engaged couples, panalo ng P290K na jackpot prize noong Linggo

 

Isang emosyonal na Vice Ganda ang natunghayan ng mga manonood sa "Everybody, Sing!" matapos niyang balikan ang sariling engagement kay Ion Perez sa “Everybody, Sing!” noong nakaraang Sabado (Hulyo 1).

Matapos makipag-usap sa isang pares mula sa songbayanan na binubuo ng mga engaged couples, naalala ng Unkabogable Superstar kung gaano siya natakot noong niyaya siya ni Ion na magpakasal.

"Naiinggit ako kasi hindi ganoon 'yung naramdaman ko nung nag-propose sa 'kin si Ion. Naiinis ako kasi hinayaan kong talunin ng takot 'yung dapat kong naramdaman," pagkukwento ni Vice.

“Sobrang dami ng sinasabi sa 'min ni Ion, nanakawan ako ng joy, parang sa inyo, di ba? Ang sarap ng normal, kasi ang normal niyan sa paningin ng marami di ba? 'Yung babae tsaka lalaki pero 'yung sa 'min hindi normal 'yung tingin sa amin," dagdag pa niya, habang inaalala ang pagkakaiba ng pagtanggap ng mga tao sa relasyon ng straight at LGBTQIA+ couples.

Ibinahagi rin ni Vice na pinakiusapan niya ang mga kaibigan na burahin ang videos ng engagement dahil sa backlash na makukuha nila, lalo na si Ion. Gayunpaman, sinabi niya na nalampasan niya na ang kanyang mga takot at ngayon ay mas bukas na siya tungkol sa kanilang relasyon.

"'Yung fear ko nu'n, wala na at 'yung care ko nu'n sa ibang tao, wala na. Kasi all my care now, lahat ng care ko, na kay Ion na lang at sa nararamdaman namin," sabi niya.

Samantala, nabigo ang songbayanan na masungkit ang P2 milyon na jackpot prize ngunit naiuwi pa rin nila ang P290,000 bilang kanilang napanalunan.

Abangan ang “Everybody, Sing!” tuwing weekend sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, iWantTFC, at TFC IPTV.

Para sa pinakabago sa “Everybody, Sing!” sundan ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa iba pang balita, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE