News Releases

English | Tagalog

Pahayag ng ABS-CBN at ABS-CBN News sa pagpanaw ni Mario Dumaual

July 05, 2023 AT 08:00 PM

Nakikiramay ang ABS-CBN at ABS-CBN News sa pamilya ng aming kasamang si Mario Dumaual.
 
Sa mahigit tatlong dekada na naging bahagi ng ABS-CBN News si Mario, naging institusyon at haligi siya sa pagbabalita sa mundo ng showbiz.
 
Batikan at mahusay na mamamahayag, mapagmalasakit at mabuting kaibigan, at dakilang asawa, ama at kapamilya, isang saludo at pagpupugay sa iyo, Mario.
 
Maraming salamat, Kapamilya sa inyong kontribusyon sa industriya.