News Releases

English | Tagalog

APO Hiking Society, ipagdiriwang ang ika-50 na anibersaryo sa 'ASAP Natin 'To'

July 07, 2023 AT 04:27 PM

APO Hiking Society celebrates its 50th year on the 'ASAP Natin 'To' stage this Sunday

Relive the timeless legacy of the iconic OPM group, APO Hiking Society, as Boboy Garrovillo and Jim Paredes perform their iconic hits in celebration of their 50th anniversary on the ASAP stage

May birthday pasabog din si Seth, dance tapatan sina Jane at Chie, at iba pang sorpresa mula sa DonBelle at P-Pop acts

Humanda muli sa isa nanamang bigating weekend concert experience, tampok ang mga bigating selebrasyon mula kina Seth Fedelin, APO Hiking Society, at iba pang mainit-init na sorpresa mula sa paborito ninyong Kapamilya stars ngayong Linggo (Hulyo 9) sa ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Balikan natin ang musika ng iconic OPM group na APO Hiking Society sa kanilang ika-50 taon sa industriya, tampok ang kanilang classic hits kantahan sa pangunguna nina Boboy Garrovillo at Jim Paredes kasama sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Nina, at Jona sa "The Greatest Showdown."

May kaabang-abang din na birthday pasabog ang Kapamilya heartthrob na si Seth Fedelin, habang may bigating P-Pop bonanza naman ang BINI, BGYO, PLUUS, at YGIG kasama sina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Jeremy G, pati ang buong ASAP family with Robi Domingo. Makiki-party rin ngayong Linggo ang hot celebrity couple nina Marco Gumabao at Cristine Reyes.

Magbabaga naman ang dancefloor sa wild "Clash Dance" tapatan nina Chie Filomeno at "Nag-Aapoy na Damdamin" star Jane Oineza. Hindi rin pahuhuli sa hatawan ang collab nina Asia's Pop Heartthrob Darren, Gela Atayde, at Legit Status.

Abangan din ang power divas kantahan nina Angeline Quinto at Regine Velasquez, pati ang mga solo pasabog ng next-gen multi-talented artists na sina Anji Salvacion, AC Bonifacio, at Belle.

At pakatutukan ang Alicia Keys medley biritan nina Jona, Jed Madela, Kyla, Sheryn Regis, Frenchie Dy, Elha Nympha, Khimo Gumatay, JM Yosures, Sheena Belarmino, Fana, Lyka Estrella, at Radha Cuadrado.

Tara at maki-party muli kasama ang paborito ninyong stars sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.