News Releases

English | Tagalog

"Fit Check: Confessions of an Ukay Queen" ni Kim Chiu, bangunguna sa Prime Video Philippines

July 08, 2023 AT 09:33 AM

Basahan-inspired outfits ni Kim, umani ng papuri mula sa netizens

 

Kasalukuyang nangunguna ang “Fit Check: Confessions of an Ukay Queen" ng ABS-CBN Entertainment, Dreamscape Entertainment, at Prime Video sa listahan ng most watched TV shows sa Pilipinas sa Prime Video.

Unang team-up nina Kim Chiu at Jake Ejercito ang fashion-themed comedy-drama series, kung saan inamin ng huli na pressured siyang makatrabaho ang Kapamilya actress.

“Noong una kong nalaman na I will be teamed up with her [Kim], na-pressure ako kasi siyempre it’s multimedia star Kim Chiu. We actually did a couple of workshops before kami nag-start, which really helped ma-break ‘yung ice,” sabi ni Jake.

Para naman kay Kim, nagpatawa siya para mas maging komportable si Jake sa set. “Biruan lang para tumawa naman siya. Ganun lang, mga simpleng joke, banatan,” she said.

Sa eight-episode series, gumaganap si Kim bilang Melanie, isang aspiring fashion designer na inabandona ng kanyang ina at nagbebenta ng mga ukay na damit bilang hanapbuhay. Nang makilala niya ang isang batang fashion executive (Jake Ejercito) na napansin sa kanyang talento, nabaligtad ang buhay ni Melanie sa kanyang paglalakbay sa industriya ng fashion kung saan niya madidiskubre ang kamalayan at pagpalago sa sarili, pagpapatawad, at pag-ibig.

Dahil ipinakita ng serye ang pagmamahal ng mga Pinoy sa ukay-ukay, isinabuhay din ni Kim ang makabagong istilo ng fashion ng kanyang karakter sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga damit na gawa sa mga scrap materials na dinisenyo ng mga lokal na designers noong promo ng palabas. Sa katunayan, nagsuot ng basahan-inspired outfit si Kim sa isa sa mga media events na nakatanggap ng positibong reaksyon mula sa netizens.

Bukod kina Kim at Jake, kasama rin sa “Fit Check” sina Angel Aquino, Kylie Verzosa, Christopher De Leon, KaladKaren, Liza Lorena, Frenchie Dy, Leo Consul, Lie Reposposa, at Justine Luzares. Nagtatampok din ito ng mga cameo mula sa mga nangungunang fashion designer, modelo, at influencer ng bansa.

Mapapanood na ang “Fit Check: Confessions of an Ukay Queen” sa Pilipinas at sa mahigit 240 bansa sa Prime Video.

Para sa iba pang balita, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Photo courtesy: Kim Chiu (@chinitaprincess), It's Showtime FB Page, and ASAPOFFICIAL FB Page