News Releases

English | Tagalog

KD at Alexa, nagliligawan na?

August 11, 2023 AT 09:52 AM

KDLex, aawitin ang kanilang hit song na “Misteryo” sa “Tao Po” ngayong Linggo

 

Ramdam ni Bernadette Sembrano ang matamis na pagtitinginan ng “Pira-Pirasong Paraiso” co-stars na sina Alexa Ilacad at KD Estrada, na umamin na nagliligawan na, habang pinag-uusapan ang kanilang relasyon at indibidwal na pangarap sa “Tao Po” ngayong Linggo (Agosto 13).

Ikinuwento ng singer-actors kung paano sila nakabuo ng koneksyon bago pa natatag ang kanilang love team noong housemates pa sila sa loob ng “Pinoy Big Brother” House. Magpapakilig din sa viewers ang KDLex sa pag-awit nila ng kanilang hit song na "Misteryo" sa episode na ito.

Makikipag-chikahan naman ang Kapamilya reporter na si Dyan Castillejo sa Filipinas co-captain na si Hali Long tungkol sa mga paghihirap at hadlang na hinarap ng Philippine women's football team sa kanilang mahaba at makasaysayang paglalakbay patungo sa FIFA.

Samantala, itatampok ni Kabayan Noli De Castro si Erico Mendez, isang PWD street vendor mula Batangas na nakipagsapalaran sa Maynila para hanapin ang nawawala niyang anak na sa tingin niya ay isang salvage victim. Tinulungan ng team si Erico na muling makasama ang kanyang anak na nasa kulungan pala.

Panoorin ang mga kapana-panabik na kwentong ito ngayong Linggo (Agosto 13) sa “Tao Po” mula 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at ABS-CBN News Online.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.