News Releases

English | Tagalog

Enchong, bida sa "Nasunog" music video ni Khimo

August 11, 2023 AT 06:20 PM

Khimo releases music video for "Nasunog" starring Enchong

"Nasunog" (A Short Film) is out now on Star Music YouTube channel.

Kwentong pag-ibig ng isang tao at isang robot 

Inilabas na ni Khimo Gumatay ang music video para sa kanyang debut single na “Nasunog” na nagtatampok sa Kapamilya actor na si Enchong Dee.

Ayon sa “Idol Philippines” season 2 grand winner na si Khimo, isang love story sa makabagong panahon ang mapapanood sa video na mala-short film na mula sa direksyon ni Kashka Gaddi.

“Noong kino-conceptualize namin yung narrative ng short film, Direk Kashka and the entire team concluded na gawing futuristic yung setting pero love story. This is the first time na mag incorporate ng computer-generated imagery ang Star Music sa isang music video kaya I’m grateful na naging part ako ng project na ‘to,” kwento niya. 

Ginagampanan ni Enchong ang papel ni Kim, isang waiter na mahuhulog ang loob kay Ava, isang bagong pasok na robot bartender. Haharap ang kanilang samahan sa pagsubok partikular na ang mandate na sirain ang mga robot dahil sa tendency nilang maging masama.

Pinuri ni Direk Kashka ang performance ni Enchong sa music video. Sabi niya, “Through his remarkable performance, the music video transcended its narrative.”

Kinwento rin ng direktor na nadiskubre niya ang galing ni Khimo bilang storyteller habang ginagawa nila ang music video. Aniya, “Meeting Khimo was such an experience. Talking to him made me realize that he was not just a singer, but an artist with a profound gift for storytelling.”

“‘Nasunog’ became an anthem of heartbreak, a poignant reminder that even in pain, there exists profound beauty in vulnerability,” dagdag pa niya.

Mula sa produksyon ng Star Music at Inside Job Studios ang “Nasunog” music video.

Panoorin ang kwentong pag-ibig nina Kim at Ava sa “Nasunog” MV na available na ngayon sa Star Music YouTube channel. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.