News Releases

English | Tagalog

Cast ng 'Dirty Linen' at 'Senior High,' may back-to-back na pasabog sa 'ASAP Natin 'To'

August 18, 2023 AT 04:42 PM

'ASAP Natin 'To' brings a double all-star delight from the cast of 'Dirty Linen' and 'Senior High' this Sunday

It's an all-star double delight on the ASAP stage, featuring a finale treat from the stars of "Dirty Linen" and an early surprise from the cast of "Senior High" this Sunday on "ASAP Natin 'To,"

Abangan din ang fresh performance ni Sarah G, pa-birthday ni Ogie, at pagpupugay para kay Da King FPJ

Paniguradong all-star ang weekend concert experience na inyong matutunghayan, tampok ang finale pasabog ng "Dirty Linen" stars, maagang sorpresa mula sa cast ng "Senior High," at marami pang iba ngayong Linggo (Agosto 20) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Bago ang inaabangan nitong pagtatapos, magsasama-sama muna sa ASAP stage ang cast ng Kapamilya teleserye na "Dirty Linen" para sa kanilang thanksgiving treat, tampok sina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, Seth Fedelin, John Arcilla, Janice de Belen, Joel Torre, Christian Bables, Jennica Garcia, Angel Aquino, Epi Quizon, Xyriel Manabat, Raven Rigor, Lance Carr, Angelica Lao, Sean Tristan, Andrea del Rosario, JC Santos, at Tessie Tomas na sasabayan ng vocal performance ni Jed Madela.

May maagang sorpresa naman ang stars ng upcoming youth-oriented series na "Senior High" na sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Xyriel, Zaijian Jaranilla, Elijah Canlas, Gela Atayde, Daniella Stranner, Miggy Jimenez, at Tommy Alejandrino.

Damang-dama ang party vibes sa fresh hits kantahan at sayawan mula kina Belle Mariano, Chie Filomeno, Jameson Blake, Joao Constancia, Jeremy G, at ang buong ASAP family with Robi Domingo.

Itaas naman natin ang bandera sa paghataw nina Gela at ang Legit Status crew bilang pagsaludo sa kanilang tagumpay sa nagdaang World Hip Hop Dance Championship. At bago naman tumungo ang inyong favorite weekend viewing habit sa Milan, makisayaw kasama ang headline acts nitong sina Darren, AC Bonifacio, at ASAP dance royalty na si Kim Chiu.

Balikan natin ang musika ng Pop Rock Superstar na si Yeng Constantino na makikipagbiritan kasama sina Jona, Morissette, Jed, Jason Dy, Katrina Velarde, Bituin Escalante, JM Yosures, Khimo Gumatay, Lyka Estrella, Sheena Belarmino, Fana, at Angeline Quinto.

Fresh na fresh din ang performance na hatid mula sa Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa bagong edisyon ng "Sarah G Specials."

Ipagdiwang din natin ang kaarawan ng OPM hitmaker na si Ogie Alcasid kasama sina Ice Seguerra, Kyla, at Asia's Songbird Regine Velasquez.

Bilang pagdiriwang sa kanyang birth anniversary, magbibigay-pugay sina Gary Valenciano, Ogie, Jona, at Angeline sa nag-iisang Da King na si Fernando Poe, Jr.

At abangan ang all-star kantahan nina Zsa Zsa Padilla, Darren, Angeline, Ogie, at Regine kasama ang isa sa hinahangaang OPM icons na si Odette Quesada sa "The Greatest Showdown."

Huwag palampasin ang lahat ng ito mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

At para naman sa mga Kapamilya natin sa Italy, dadayo ang "ASAP Natin 'To" sa Milan ngayong Setyembre 10 (Linggo) sa Mediolanum Forum. Para sa tickets, bisitahin ang https://bit.ly/ASAPinMilanTickets.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.