News Releases

English | Tagalog

Mansiyon ni Negi, lilibutin ni Johnson Manabat sa “Tao Po”

August 18, 2023 AT 03:15 PM

Kabayan Noli, kikilalanin ang super duck farmer ngayong Linggo

 

Magiging isang gabing puno ng tawanan dahil iikutin ni Johnson Manabat ang apat na palapag na bahay ni Negi at pag-uusapan ang pagsikat nito bilang isang komedyante, buhay pag-ibig, at mga sakripisyo noong pandemya sa "Tao Po” ngayong Linggo (Agosto 20).

Si Negi, o Uldario Molina Jr. sa totoong buhay, ay nagsimula ng kanyang karera sa mga comedy bar at sumikat sa mainstream media nang maging sidekick siya ni Vice Ganda sa “Gandang Gabi Vice.” Malalaman ng Kapamilya reporter ang kwento ng buhay ni Negi, habang nililibot ang apat na palapag na bahay nito sa Navotas.

Makikita rin ng mga manonood ang masalimoot na buhay ng working students tulad nina Leo Jaminola at Helweena Sadora, na pumasok sa maraming trabaho noong kolehiyo para matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Ibabahagi nina Leo at Helweena ang mahirap na paglalakbay tungo sa pagkuha ng kanilang mga diploma sa kolehiyo. Nais nilang magsisilbi ang mga kwento nila bilang panawagan sa pagbabago sa lipunan.

Samantala, bibisitahin ni Kabayan Noli de Castro ang isang magsasaka ng pato, na dating TNT o tago nang tagong Overseas Filipino Worker (OFW) sa Japan, at malalaman kung paano ito nagsasaka ng ItikPINAS, ang super duck breed ng DOST-BFAR.

Panoorin ang mga kwentong ito ngayong Linggo (Agosto 20) sa “Tao Po” mula 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at ABS-CBN News Online.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.