News Releases

English | Tagalog

Kapamilya stars, todo todo ang paghahanda para sa ‘ASAP Natin ‘To Milan’

August 23, 2023 AT 11:09 AM

‘ASAP Natin ‘To’ brings world class Pinoy performances to Milan, Italy

It is an all-out world-class concert experience from your favorite Kapamilya stars on September 10 at the Mediolanum Forum in Milan, Italy.

Makikisaya rin sina Coco Martin, Vice Ganda at iba pa

Isang pang malakasan na world-class at proud Pinoy performances ang hatid ng mga paborito ninyong Kapamilya stars sa “ASAP Natin ‘To Milan” na gaganapin ngayong Setyembre 10 (Linggo) sa Mediolanum Forum, Assago, Italy.

Saksihan ang powerhouse vocal treats mula sa ASAP royalties na sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Bamboo, at Regine Velasquez, kasama ang singing champions na sina Erik Santos, Klarisse De Guzman, Jona, Morissette, KZ Tandingan, at Angeline Quinto.

Susundan ito ng pinaka-fresh na musical treats nina Moira Dela Torre at Kitchie Nadal. Maki party at sumayaw ng todo todo kasama sina Kim Chiu, Maymay, AC Bonifacio at Darren Espanto sa kanilang all-out dance performances. 

Magbibigay kilig din sa fans ang Kapamilya heartthrobs na sina Inigo Pascual, Paulo Avelino, at Piolo Pascual.

Abangan ang much awaited reunion ng Darna stars na sina Joshua Garcia at Janella Salvador.

Mula Quiapo hanggang Milan, handa na rin mag dala ng good vibes sina Coco Martin at Lovi Poe kasama ang rappers at co-stars na sina Bassilyo at Smugglaz.

Makikisama rin sa pagbibigay saya at sorpresa sa Milan ang ibang Kapamilya stars kagaya nina Dimples Romana, at Unkabogable Superstar Vice Ganda. 

Huwag palampasin ang “ASAP Natin ‘To Milan,” para sa mga tiket, bisitahin ang https://bit.ly/ASAPinMilanTickets o makipag-ugnayan sa aming mga reseller sa https://mytfc.com/asapinmilan.