News Releases

English | Tagalog

Kathryn at Dolly, handa na magpamangha ng mga manonood sa pelikulang “A Very Good Girl”

August 24, 2023 AT 12:35 PM

Mapapanood na sa mga sinehan simula Setyembre 27 

 

Handa nang mangulat at magpamangha sa publiko sina Asia’s Box Office Superstar Kathryn Bernardo at BAFTA at Golden Globe nominee Dolly de Leon para sa kanilang papel bilang Philo at Mother Molly sa 30th anniversary kick-off film ng Star Cinema na “A Very Good Girl” na mapapanood sa mga sinehan sa buong bansa simula Setyembre 27.

Umiikot ang kwento ng “A Very Good Girl” sa buhay ni Philomena Angeles (Kathryn) na gustong wasakin ang kapwa socialite at business tycoon na si Mother Molly Suzara (Dolly). Sa pagpasok ni Philo sa marangya, pero misteryosong buhay ni Mother Molly, magiging komplikado ang planong paghihiganti niya.

Magsisilbing theatrical comeback ni Kathryn ang “A Very Good Girl” sa 2019 box office hit na “Hello, Love, Goodbye,” habang ito naman ang unang lead role at unang ABS-CBN film ng internationally-acclaimed actor na si Dolly de Leon.

Bukod kay Kathryn at Dolly, tampok din sa cast ng “A Very Good Girl” sina Chie Filomeno, Jake Ejercito, Gillian Vicencio, Kaori Oinuma, Ana Abad Santos, Nour Hooshmand, Donna Cariaga, Althea Ruedas, Nathania Guerrero, at Angel Aquino.

Sulit kaya ang planong paghihiganti ni Philo? Abangan ‘yan sa “A Very Good Girl” simula Setyembre 27 (Wednesday). Para sa ibang updates tungkol sa pelikula, i-follow ang ABS-CBN Films sa Facebook, X, TikTok, Instagram, at Threads.

Para naman sa ibang balita, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, TikTok, Instagram, and Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE