News Releases

English | Tagalog

Bernadette, aalamin ang kinasangkutang fan meet incident ni DJ-Host Karen Bordador sa “Tao Po”

August 25, 2023 AT 03:21 PM

Karen Bordador, ibabahagi kung paano niya hinaharap ang bashers ngayong Linggo

 

Aalamin ni Bernadette Sembrano ang katotohanan sa likod ng last minute hosting gig incident ni Karen Bordador sa Seo In Guk fan meet event sa “Tao Po” nitong Linggo (Agosto 27).

Ikukuwento ng dating “Pinoy Big Brother” housemate ang kanyang naging karanasan sa event, habang ibinabahagi ang kanyang mga paghihirap nang makatanggap siya ng backlash sa social media dahil sa pagpalit sa dating host ng event.

Samantala, nakilala ng reporter na si Michael Delizo ang apat na magkakapatid mula sa Tondo, na nagpasiklab sa cosplay scene dahil sa kanilang abot-kayang do-it-yourself na costumes noong Otaku Expo Tanabata Festival 2023. Sasamahan ni Michael ang magkakapatid at magsusuot rin ng costume habang inaalam kung paano umunlad ang magkapatid sa industriyang ito.

Masasaksihan din ng mga manonood ang pang-araw-araw na buhay ng conjoined twins na sina Joy at Joyce Magsino bilang tampok ni Kabayan Noli De Castro ang kanilang nakakaantig na kuwento. Ibabahagi ng kambal kung paano nila nagagawang suungin ang kanilang buhay nang magkadikit sa isa’t isa.

Panoorin ang mga kwentong ito ngayong Linggo (Agosto 27) sa “Tao Po” mula 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at ABS-CBN News Online.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.