News Releases

English | Tagalog

JC tuluyan nang nahulog kay Jane sa "Nag-aapoy na Damdamin"

August 25, 2023 AT 10:36 AM

JC falls for Jane in "Nag-aapoy na Damdamin"

Don't miss the fiery story of Nag-aapoy na Damdamin every Monday to Friday, 3:45pm.

Tony, handa na nga bang kalimutan si Jane?

Naging mas kumplikado pa ang laban ni Philip Salazar (JC de Vera) sa mga Buencamino dahil tuluyan na siyang napaibig kay Claire (Jane Oineza) at nais niyang ilayo ito sa planong paghihiganti sa afternoon TV series na “Nag-Aapoy Na Damdamin.”

Higit ngang napapalapit ang damdamin nina Philip at Claire sa isa’t isa habang unti-unti namang bumabalik sa alaala ni Claire ang ilang pangyayari na hindi niya maunawaan. Dagdag pa sa iniisip niya ang tunggalian ng kanyang kasalukuyang asawa na si Philip at dating asawa na si Lucas Buencamino (Tony Labrusca) noong nasa katauhan pa siya ni Olivia.

Samantala, nakahanap ng bagong kakampi ang mga Buencamino sa asawa ng isang pasyente na sinasabing pinatay rin ng ama ni Philip na si Severino Salazar (Jeffrey Santos). Syempre, hindi ito palalampasin ni Lucas para gamitin laban sa kanyang kaaway.

Nangako rin si Lucas na kakalimutan na niya si Olivia pagkatapos magwala ni Melinda (Ria Atayde) sa pagkadiskubre ng secret room kung saan itinago ni Lucas ang mga gamit na nagpapaalala sa kanya kay Olivia.

Magawa nga kayang kalimutan ni Lucas ang dating asawa? Mapigilan naman kaya ni Philip si Claire na harapin ang mga Buencamino na patuloy na nananakit kay Philip?

Huwag palampasin ang maiinit na pangyayari sa “Nag-aapoy na Damdamin,” ang programang handog ng ABS-CBN at TV5 na mula sa direksyon nina FM Reyes at Benedict Mique sa ilalim ng JRB Creative Production. Napapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 3:45pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.