News Releases

English | Tagalog

"Nag-aapoy na Damdamin," 'mas marami pang pagmamahal at sakit' ang dadalhin ayon sa direktor nito

August 31, 2023 AT 11:54 AM

Benedict Mique says "Nag-aapoy na Damdamin" is set to bring more pain, love

Director Benedict Mique teases viewers about more exciting scenes of love and revenge in "Nag-aapoy na Damdamin."

Ang gantihan drama na “Nag-Aapoy Na Damdamin” ang isa sa mga kasalukuyang teleserye na nagpapaibig at talaga namang nagpapasakit sa damdamin ng mga manonood tuwing hapon.
 
“Mas marami pang pagmamahal at sakit ang aabangan ng mga manonood dito,” saad ng director na si Benedict Mique tungkol sa nalalapit na harapan ng power couples ng seryeng pinagbibidahan nina Jane Oineza, JC de Vera, Ria Atayde, at Tony Labrusca.  
 
“All teleseryes are the same, but this is just more fun to make and watch,” sabi pa ni Direk na tinanggap ang proyekto kasama si Direk FM Reyes dahil sa pagnanais niyang mag-explore ng nakakagigil na kwento kasama ang mga aktor na hindi pa niya nakatrabaho. 
 
Saad niya, “I love working with new actors. Na-excite ako when you put these actors into these characters. Ang sarap laruin. Makikita nyo naman ang results.” 
 
Patunay rito ang nag-uumapaw na chemistry nina Philip (JC) at Claire (Jane), ang ‘pataasan ng ihi’ sa pagitan nina Philip at Lucas (Tony), at ang selos na umuubos ng pasensya ni Melinda (Ria). 
 
Sinabi pa ni Direk Benedict na sumasalamin sa totoong buhay ang galit at gantihan nina Lucas at Philip dahil nag-uugat ito sa sakit ng damdamin at matinding pagmamahal. Masaya aniya na ilagay ito sa mga makapangyarihang karakter ng isang doctor at isang abogado na tinitingala ng mga manonood at magtutulak sa kanila para mamili ng kakampihan, #TeamPhilip ba o #TeamLucas. 
 
Si Direk Benedict ay isang screenwriter-director na siyang sumulat sa mga seryeng “On The Wings of Love” at “Since I Found You.” Nagsilbi naman siyang direktor ng mga pelikulang  “MOMOL Nights” at “Wild Little Love.” Itinuturing niyang mentor sa industriya ang National Artist na si Ricky Lee. 
 
Abangan ang “Nag-Aapoy Ng Damdamin” Lunes hanggang Biyernes, 3:45pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5. Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, Twitter (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).  
 
For updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, Instagram, and Tiktok or visit www.abs-cbn.com/newsroom.