News Releases

English | Tagalog

Mga nasalanta ng bagyong Egay at Falcon sa Ilocos Sur at Cagayan, natulungan ng ABS-CBN Foundation

August 07, 2023 AT 02:45 PM

Sagip Kapamilya, patuloy na tumatanggap ng donasyon 

Naalalayan ang higit 2,000 pamilya sa iba’t ibang bayan ng Ilocos Sur at Cagayan ng ABS-CBN Foundation Sagip Kapamilya, kaakibat ang Sunlife Foundation, sa gitna ng matinding pananalasa ng bagyong Egay at Falcon para matulungan silang muling makabangon. 

Dahil sa malaking pinsala na dulot ng malakas na pag-ulan, maraming mga pamilya sa dalawang rehiyon ang naapektuhan ang pang araw-araw na buhay. Pero dahil sa kabutihang-loob ng mga donor, apat na barangay sa Cagayan kabilang na ang Casitan at Batangan sa Gonzaga at Simayung at Sirit sa Abulug ang nahatiran ng relief packs ng Sagip Kapamilya. 

Sa Ilocos Sur naman, nabigyan ng food packs ang mga kababayan na binaha sa San Ildefonso, San Pablo, Santo Domingo, at Bantay. 

Sa isang panayam sa “TV Patrol,” ibinahagi ni Ilocos Sur provincial administrator Marlon Tagorda na lubog sa baha ang mga naabot na bayan ng ABS-CBN Foundation.  Aniya, “they are really devastated and they were directly hit by the typhoon so lahat ng mga pinuntahan natin lubog.” 

Para sa mga gustong magpaabot ng tulong sa mga kababayang lubos na nangangailangan, patuloy na tumatanggap ang ABS-CBN Foundation ng donasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang donation channels na makikita sa Facebook page ng ABS-CBN Foundation. Pwede ring bumili ng ABS-CBN Foundation donation vouchers para sa mga nasalanta ng bagyo sa Shopee at Lazada.  

I-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom   para sa ibang updates.