News Releases

English | Tagalog

Jose Mari Chan, may maagang pamasko ngayong Linggo sa 'ASAP Natin 'To'

September 01, 2023 AT 01:30 PM

Jose Mari Chan kicks off the Christmas season on 'ASAP Natin 'To'

Celebrate the early yuletide season with a holiday hits party led by the King of Filipino Christmas Carols himself, Jose Mari Chan

Abangan din ang pasabog ng 'Senior High' stars, hataw collab nina AC at Chie, at ang 35th anniversary celebration ni Jamie Rivera

Ber months na at damang-dama ang simoy ng Pasko sa hatid na early holiday party ng inyong paboritong weekend viewing habit, tampok ang maagang pamasko mula kay Jose Mari Chan, at marami pang iba ngayong Linggo (Setyembre 3) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Makikanta at sayaw sa paborito ninyong holiday songs kasama ang King of Filipino Christmas Carols na si Jose Mari Chan, na sasabayan din nina Isip Bata kids Kulot, Jaze, Lucas at Imogen, Anji Salvacion, Calista, at ang buong ASAP family with Edward Barber.

May pasabog muli ang cast ng trending youth-oriented series na "Senior High" na sina Andrea Brillantes, Elijah Canlas, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Juan Karlos, Daniella Stranner, Gela Atayde, Miggy Jimenez, at Tommy Alejandrino kasama ang kanilang co-stars na sina Angel Aquino, Kean Cipriano, Mon Confiado, Gerald Madrid, Ana Abad Santos, Baron Geisler, Desiree del Valle, at Sylvia Sanchez.

Hahataw naman sina AC Bonifacio at Chie Filomeno sa kanilang women power tapatan sa "Clash Dance," habang dadayo rin ang World Hip Hop Dance Champions na sina Javen Zamora at ang buong HQ Dance Collective para sa kanilang Pinoy pride sayawan.

Maki-indak sa total performance ni Darren kasama sina Jameson Blake, Joao Constancia, Jin Macapagal, and Jeremy G. Abangan din ang jamming collab nina Kice at MRLD.

Sa papalapit na "ASAP Natin 'To in Milan" show, may pasilip munang world-class biritan sina Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Jona, Jed Madela, at Regine Velasquez kasama si Franco Laurel.

Tuloy-tuloy ang selebrasyon sa 35th anniversary at birthday blowout ng Inspirational Diva na si Jamie Rivera, na sasabayan din ng kanyang timeless hits tapatan mula kina Jona, Jed, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Bituin Escalante, Katrina Velarde, Sheena Belarmino, JM Yosures, Reiven Umali, Khimo Gumatay, Fana, at Lyka Estrella.

Hindi rin pahuhuli ang bigating collab nina Asia's Phoenix, Morissette, at ng nag-iisang Concert King, Martin Nievera.

At damhin din ang pag-ibig sa romance hits tapatan nina Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez, na susundan ng madamdaming father-daughter duet nina Gary at Kiana Valenciano sa "The Greatest Showdown."

Abangan ang maaagang pamaskong ito mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

At para naman sa mga Kapamilya natin sa Italy, dadayo ang "ASAP Natin 'To" sa Milan ngayong Setyembre 10 (Linggo) sa Mediolanum Forum. Para sa tickets, bisitahin ang https://bit.ly/ASAPinMilanTickets.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.