News Releases

English | Tagalog

Kyla, inilunsad ang sariling bersyon ng "Hanggang Kailan"

September 13, 2023 AT 01:12 PM

Kyla releases reimagined version of "Hanggang Kailan"

Kyla gives a heartfelt twist to the OPM song "Hanggang Kailan."

Binigyan ng bagong timpla ng Kapamilya singer na si Kyla ang hit OPM single na “Hanggang Kailan.”
 
Unang inawit ni Michael Pangilinan ang ballad track na nagkukuwento ng masalimuot na paghihintay sa isang taong hindi naman kaya suklian ang natatanggap na pag-ibig.
 
Isinulat ni Star Pop label head na si Roque “Rox” Santos  ang awitin katulong si Cynthia Roque. Si Rox din ang nagprodyus ng bagong bersyon ng awitin kasama si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.
 
Ang tinaguriang Queen of R&B na si Kyla ay nakilala sa kanyang boses at kakaibang estilo ng pagkanta na tumulong magpasikat ng R&B at soul music sa bansa. Ilan sa pinasikat niyang awitin ay ang “Hanggang Ngayon,” “Huling Sayaw,” at ang kanyang rendition ng “On The Wings of Love.” Nakasama rin niya ang international artist na si Brian McKnight Jr. para sa awitin na “COY (Cuz Of You) na inilabas noong nakaraang taon.
 
Pakinggan ang bersyon ni Kyla ng “Hanggang Kailan” na available sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE