News Releases

English | Tagalog

World-class Pinoy performances sa "ASAP Natin 'To in Milan," mapapanood na ngayong Linggo

September 16, 2023 AT 08:21 AM

World-class Pinoy performances in part one of "ASAP Natin 'To in Milan" this Sunday

Ang pinaka-inaabangang Milan show ng inyong paboritong weekend viewing habit, mapapanood niyo na ngayong Linggo

Abangan ang part one ng bigating Milan concert experience na ito sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5
 
Ang pinaka-inaabangang Milan show ng inyong paboritong weekend viewing habit, mapapanood niyo na, tampok ang bigating performances mula sa naglalakihang Kapamilya stars, global Pinoy talents, at guest artists sa part one ng "ASAP Natin 'To Milan" show na eere ngayong Linggo (Setyembre 17) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Simulan ang pasabog na Milan party sa Pinoy pride hits performances ng ASAP icons na sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, at Regine Velasquez na sasabayan din nina Bamboo, Inigo Pascual, KZ, at ang nagbabalik na Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual. Susundan din ito ng bagong single act ni Asia's Pop Heartthrob Darren. Makikisaya rin sina Maymay Entrata at Donny Pangilinan.
 
Yayanig naman ang dancefloor sa matinding Dance U hatawan nina AC Bonifacio, Janella Salvador, at ASAP dance royalty Kim Chiu kasabay ang World of Dance Italy contenders at proudly Pinoy dance crew na Hermes.
 
Sasalang din ang iba pang bigating global Pinoy talents sa Milan stage, tulad nina Ireland's Got Talent contestant Rodelle Borja, X Factor Italia biritera Camille Cabaltera, The Voice Kids Germany finalist Fiona Cassandra, at Accademia de Bel Canto International Vocal Competition Austria semi-finalist Joseleo Logdat, kasama sina Erik, Darren, Klarisse de Guzman, Jona, at Regine.
 
Kiligin din sa heartthrob performances ng paborito ninyong Kapamilya leading men na sina Paulo Avelino at Joshua Garcia, habang may Kitchie Nadal medley kantahan naman mula kina Kitchie mismo at Moira dela Torre.
 
Tuloy-tuloy ang sing-along sa karaoke hits biritan nina Martin, Erik, Angeline, KZ, at Regine. Hindi rin pahuhuli ang total collab nina Darren at Belle Mariano.
 
At bilang pasasalamat sa patuloy na tagumpay ng "FPJ's Batang Quiapo," magpapasaya sa ating mga kababayan sa Italya ang Primetime King na si Coco Martin kasama ang kanyang leading lady na si Lovi Poe pati co-stars na sina Bassilyo at Smugglaz.
 
Lahat ng ito, fresh na fresh mula Milan, Italy—hatid sa inyo ng longest-running at award-winning musical variety show, "ASAP Natin 'To," 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
 
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.