News Releases

English | Tagalog

Judy Lou at RG, gumawa ng kasaysayansa ikapitong season ng "Tawag ng Tanghalan"

September 18, 2023 AT 08:03 PM

Dalawang beses narating nina Judy Lou Benitez at RG Mia ang tuktok sa ikapitong edisyon ng "Tawag ng Tanghalan" matapos nilang mag-tie noong Biyernes (Set. 15) at Sabado (Set.16).

 

Noong Biyernes, ikinagulat nga ng manonood ang nangyaring tie kina Judy Lou at RG matapos nilang parehas pinabilib ang hurado sa kanilang rendisyon ng "Price Tag" at "I Believe I Can Fly."

 

Ika-apat nang sunod na panalo ito ng pambato ng Mindanao na si Judy Lou habang itinanghal naman si RG bilang bagong kampyeon nang makuha nilang parehas ang combined score na 96.4%.

 

Ani ni Vice, "For the very first time sa kasaysayan ng Tawag ng Tanghalan (Season 7), dalawa ang ating kampeon... Dalawa ang nasa tuktok!" 

 

Naulit pa ito noong Sabado nang nakalikom naman sila ng combined score na 94.6%. Naging susi tuloy ito para makapasok si Judy Lou sa semifinals ng "TNT."

 

Samantala, hindi rin natinag at nanatiling daily champion si RG nang matalo ang pambato ng Visayas. Kailangan na lang niyang manalo hanggang Martes para makapasok sa semifinals.

 

Patuloy na tutukan ang galing sa pagkanta ng iba't ibang pambato ng Luzon, Visayas, at Mindanao sa "Tawag ng Tanghalan" sa “It’s Showtime,” 12NN mula Lunes hanggang Sabado sa GTV, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang "Showtime Online U" tuwing 11:45 AM sa Kapamilya Online Live.