News Releases

English | Tagalog

BINI, haharapin ang "Karera" ng buhay sa bagong single

September 19, 2023 AT 01:23 PM

BINI sets the pace in new single "Karera"

BINI faces life at their own pace in new single "Karera."

Patikim sa kanilang bagong EP

Handa na ang female pop group na BINI sa kanilang bagong era dala ang comeback single na "Karera" na mapapakinggan na simula ngayong Biyernes (Set. 22).

Sa upbeat track, bibigyang diin ng grupo na hindi kailangan madaliin ang buhay dahil ang bawat isa ay may kanya-kanyang oras at pagkakataon. Isinulat nina Gianina Camille “Nica” Del Rosario, Julius James “Jumbo” De Belen, at Jose Miguel Cortes ng Flipmusic ang awitin habang binuo naman ng BINI members na sina Colet, Mikha, at Stacey ang rap nito.

Ang awitin ay patikim ng grupo sa kanilang bagong EP na ilalabas ngayong Nobyembre. Saksihan ang kanilang comeback performance sa “It’s Showtime” (Set. 23), Watsons Playlist Concert (Set. 24), 101.1 Yes FM at 96.3 Easy Rock (Set. 26), MOR Good Time To (Set. 27), at Wish Bus (Set. 28).

Patuloy na namamayagpag ang tinaguriang nation’s girl group matapos maging nominado ang kanilang awitin na “I Feel Good” bilang Music by International Music Artist sa BreakTudo Awards sa Brazil. Noong nakaraang taon, inilabas din nila ang kanilang ikalawang album na “Feel Good” na umani ng mahigit limang milyong streams sa Spotify at nanguna rin sa iTunes Albums chart Philippines.

Pakinggan ang comeback single ng BINI na “Karera” na available sa iba’t ibang music streaming platforms ngayong Biyernes. Sundan ang BINI_ph sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, at mag-subscribe sa kanilang official YouTube channel, BINI Official para sa updates.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.