News Releases

English | Tagalog

Single mom, nanalo ng P750,000 sa "Isip Bata"

September 19, 2023 AT 06:17 PM

Dininig ng Diyos ang hiling ni Nanay Ruby nang magtugma ang lahat ng kanyang sagot kay Argus sa 'APpair Tayo' at manalo ng ₱750,000 jackpot prize sa “Isip Bata” sa “It’s Showtime” ngayong araw.

 

“Nagthe-thank you ako kasi pagtution siya ng anak ko. Single mom ako and wala akong trabaho. Kanina nagdadasal na sana manalo anp kasi problema ng anak ko yung tuition niya pang-college,” ani ni Nanay Ruby. 

 

Umaapaw nga ang kasiyahan ng bawat tao sa studio nang makitang nagtugma ang tatlong sagot nina Ruby at Argus. Sa huling tanong, pinapili sila  kung anong klaseng toothpaste ang kanilang gusto at parehas nga nilang pinili ang “nakakapagpabango ng hininga.” 

 

Nang dahil sa nakuhang pera, sigurado si Nanay Ruby na mapapagpatuloy ng anak niya ang kanyang kurso sa IT at hindi na lilipat pa ng ibang kurso.

 

Tila itinadhana naman daw ng Itaas na ipanalo si Nanay Ruby ayon kay Vice Ganda.

 

“Yang ₱750,000 ilang araw, ilang linggo at buwan nating naipon sa ‘Isip Bata.’ Hindi siya madali at agad agad nakuha. Tuwing naglalaro kami, hinahayaan namin na ang tadhana na pumili kung sino ang mag-uuwi ng premyo,” saad ng Unkabogable star. 

 

Sa kabuuan ay nag-uwi ang single mom mula sa Maynila ng ₱761,000 kasama ang nakuhang isang libo sa simula sa segment at ₱10,000 sa pagpasok sa jackpot round. 

 

Samantala, isang masayang araw ito sa "It's Showtime" dahil bukod kay Nanay Ruby ay nag-uwi ang studio contestant na si Jennilyn ng ₱108,000 sa "Rampanalo" samantalang ganap ng semifinalist si RG Mia matapos niya manalo today sa "TNT."

 

Makisaya sa buong pamilya ng “It’s Showtime,” 12NN mula Lunes hanggang Sabado sa GTV, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang "Showtime Online U" tuwing 11:45 AM sa YouTube channel ng "It's Showtime."