News Releases

English | Tagalog

Kathryn, Dolly, at cast ng “A Very Good Girl,” dinumog ng libo-libong fans sa Cebu

September 20, 2023 AT 09:36 AM

Ipapalabas sa Pinas sa Setyembre 27 at sa US sa Oktubre 6

 

Libo-libong mga Cebuanong tagahanga ang nagpakita ng pagmamahal sa cast ng “A Very Good Girl,” sa pangunguna nina Kathryn Bernardo at Dolly De Leon, noong Linggo (Setyembre 17), bago ang premiere ng pelikula sa SM Megamall sa Setyembre 26 at pagpapalabas sa sinehan sa Setyembre 27.

Pinahanga ng Asia’s Superstar Kathryn ang mga manonood sa kanyang mga performance ng “Levitating,” “Made You Look,” “About Damn Time,” at “Shut Up and Dance.” Inaliw din nina Chie Filomeno at Jake Ejercito ang fans sa pamamagitan ng kanilang song and dance numbers.

Pinangunahan din ng cast ang advance ticket sales para sa “A Very Good Girl” sa sinehan ng SM City Seaside Cebu.

Samantala, magkakaroon ng US premiere ang  “A Very Good Girl” sa Oktubre 6, kung saan personal na dadaluhan ito ng cast. Ipapalabas din ang pelikula sa Canada at Guam.

Sinusundan ng “A Very Good Girl” ang kuwento ni Philomena Angeles (Kathryn) na naglalayong pabagsakin ang kapwa socialite at business tycoon na si Mother Molly Suzara (Dolly), kung saan ay papasukin niya ang glamoroso ngunit maduming buhay nito.

Bibida rin sa “A Very Good Girl” sina Chie Filomeno, Jake Ejercito, Gillian Vicencio, Kaori Oinuma, Ana Abad Santos, Nour Hooshmand, Donna Cariaga, Althea Ruedas, Nathania Guerrero, at Angel Aquino.

Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, Threads, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.