News Releases

English | Tagalog

Jace Roque may kanta tungkol sa mga "Casual" na relasyon

September 21, 2023 AT 11:02 AM

Jace Roque drops dance-pop single "Casual"

The new Star Music artist described "Casual" as a 'love manifestation track.'

Inilalarawan ng singer-songwriter na si Jace Roque ang simula ng espesyal na ugnayan ng dalawang tao bago pa sila dumating sa pagkakaroon ng commitment sa kantang “Casual,” ang una niyang single mula sa Star Music pagkatapos niyang pumirma sa nasabing ABS-CBN record label.
 
 “It is light, fun, and sexy, like how the first couple of months of a relationship usually is,” ani Jace.

 
“This is also a love manifestation track, encouraging people to stop playing mind games and just get on with it. Admit what you are feeling, don't hold back and allow it to blossom,” dagdag pa ng Awit Awards 2023 Best Dance/ Electronic Recording nominee para sa kanta niyang “Back to the Beginning.”
 
Siya mismo ang sumulat at nagprodyus ng dance-pop song na “Casual” na may tunog Latin at Reggaeton.
 
“My family is of Spanish descent and my grandparents and their cousins are always reminding us to be proud of our heritage. This is my way of honoring those roots while staying true to who I am as an artist,” kwento niya. 
 
Samantala, walang hanggang pag-ibig naman ang sinisimbolo ng cover art ng kanta ayon kay Jace. Sabi ng electro-pop artist, “In the single art, you can see a Celtic Love Knot in the background, a symbol that is also tattooed on my hip. It has two interlocking hearts that symbolizes the love between two people and the continuous line represents eternal love.”
 
Isa ring commercial model at aktor si Jace na naging bahagi ng 2017 film na “Across the Crescent Moon.” Ilan naman sa mga nailabas na niyang awitin ang “Sober,” “Day and Night,” at “Trust.”
 
Magiging bahagi ng kanyang ilalabas na album ang awitin niyang “Casual” na napapakinggan ng ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms.  Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.