News Releases

English | Tagalog

Maki, may iba't ibang "Tanong" sa kanyang debut EP

September 21, 2023 AT 01:05 PM

Maki chronicles heartbreaking journey in debut EP "Tanong"

Following the success of his single “Saan?” Maki is set to launch his debut EP “Tanong” which reflects his outlook on love and life.

Tampok ang kantang “Saan?” na umani na ng halos 15M Spotify streams

Matinding pag-aagam-agam at kalituhan sa pag-ibig ang ikinuwento ng Kapamilya artist na si Maki sa kanyang unang EP na “Tanong” na mapapakinggan na simula ngayong Biyernes (Set. 22).
 
Laman ng kanyang EP na mula sa Tarsier Records ang limang Tagalog songs na “Sigurado?” “Kailan?” “Siguro…?” at ang viral hits na “Saan?” at “Bakit?
 
“Last year, I went through so much pain mentally and emotionally. I had no one to talk to about my questions back then except for my best friends, but I didn't wanna bother them so I just started writing my questions on a paper. Sinulat ko lahat ng tanong ko sa mga taong wala na sa buhay ko, missed opportunities, as well as yung mga tanong ko sa sarili ko,” ani Maki.
 
Kwento pa niya, nakatulong ang journal entries niya sa pagbuo ng mga awitin na sumasalamin sa kanyang personal na karanasan sa buhay.
 
“No’ng una akala ko magiging journaling journey ko lang siya at araw-araw akong iiyak, but it turned out to be the best project I did so far sa career ko. I never thought that my greatest pain could turn into something I can look at now as a possession that I'll treasure forever,” saad ng baguhang R&B artist.
 
Unti-unting nakilala si Maki sa kanyang relatable at catchy na tunog na nagpapakita sa kanyang batang pananaw sa buhay. Nakapaglabas na siya ng iba’t ibang awitin tulad ng “Halaga,” “Para Sa Buwan,” at ang hit R&B rendition niya na “Gusto Ko Nang Bumitaw.” Ngayong taon, inilunsad ni Maki ang awitin na “Saan?” na umani ng halos 15 million streams at kasalukuyang nasa top 50 ng Spotify Philippines Daily Songs Chart. Samantala, ang awitin niyang “Bakit?” na meron ng 1.5 million streams ay umarangkada din sa top 50 ng Spotify Philippines Viral Songs Chart.
 
Pakinggan ang nakakaantig na mensahe ni Maki sa kanyang unang EP na “Tanong” na available ngayong Biyernes. Para sa ibang detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE