News Releases

English | Tagalog

Aljon Mendoza, ipapakita ang paulit-ulit na pagbaha sa kanyang bayan sa Pampanga sa “Tao Po”

September 22, 2023 AT 05:39 AM

Kabayan Noli, itatampok ang furmom na may 251 aso

 

Isasama sa pamamangka ng dating “Pinoy Big Brother” housemate at “Teen Clash” star na si Aljon Mendoza si Bernadette Sembrano sa paligid ng Macabebe na bahain dahil sa mga bagyo, sa “Tao Po” ngayong Linggo (Setyembre 24).

Malalaman ni Bernadette ang tungkol sa paulit-ulit na pagbaha na naging permanenteng hadlang na para sa mga residente ng San Francisco, Macabebe, dahilan upang hindi na matirahan mga tahanan at mawala ang kanilang mga kabuhayan. Sa pamamagitan ng YouTube documentary ni Aljon, na umani ng mga papuri mula sa mga netizens, binigyan niya ng kamalayan ang mga manonood tungkol sa isyung ito.

Samantala, itatampok ni ABS-CBN Reporter Bianca Dava ang isang bulag na student athlete, na patuloy na lumalaban sa buhay at sa larangan ng sports. Naging bahagi si Andrea Estrella ng National Adaptive Course Racing team at nag-uwi ng ginto noong Setyembre 17 nang lumaban siya sa World Obstacle Course Racing sa Belgium.

Ibabahagi rin ni Kabayan Noli de Castro ang kuwento ni Leah Borbon, na dating takot sa mga aso, ngunit isang araw ay iniligtas ang isang tuta mula sa pagkakatay, na naging sanhi upang mapagmahal na sa mga aso. Sa kasalukuyan, mayroon na siyang 251 aso sa kanyang pangangalaga.

Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na kwento sa “Tao Po” kasama sina tuwing Linggo simula 6:15 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live, at iba pang ABS-CBN News online platforms.

Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.