News Releases

English | Tagalog

Balikan ang todo-kilig performances ng DonBelle at KDLex sa 'ASAP Natin 'To'

September 29, 2023 AT 02:38 PM

Relive the kilig treats from DonBelle and KDLex this Sunday on 'ASAP Natin 'To'

It's two times the kilig with back-to-back romantic acts from DonBelle and KDLex

Abangan din ang best-of-the-best pasabog nina Sarah G, Bamboo, BGYO, at iba pa

Salubungin natin ang Oktubre nang puno ng saya sa hatid na best-of-the-best performances mula sa paborito ninyong weekend habit, tampok ang back-to-back kilig treats ng mga tambalang DonBelle at KDLex, at marami pang iba ngayong Linggo (Oktubre 1) sa sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Todo-todo ang kilig muli sa hatid na romantic duets nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, pati nina KD Estrada at Alexa Ilacad. Balikan din natin ang bigating collab nina Popstar Royalty Sarah Geronimo at OPM icons na sina Ogie Alcasid at Martin Nievera.

Maki-throwback din sa collab nina from Asia's Pop Heartthrob Darren at certified rakista Bamboo, pati na rin ang bigay-todong divas kantahan nina Zsa Zsa Padilla, Juris, Nina, at Regine Velasquez.

I-rewind din natin ang friendship hits party nina Alexa, Loisa Andalio, Charlie Dizon, Elisse Joson, Jeremy G, Jameson Blake, Lara Maigue, Lyka Estrella, Babydolls at ang buong ASAP Kapamilya kasama sina Robi Domingo at Edward Barber.

Balikan naman ang around-the-world indakan nina AC Bonifacio, Chie Filomeno, at Regine Tolentino. Hindi rin pahuhuli ang maaksyong sayawan nina ASAP dance royalty Kim Chiu kasama sina AC at Kyle Echarri.

Maglalagablab din ang ASAP stage sa best-of-the-best total collab nina Darren at Morissette, at sa P-Pop pasabog ng BGYO.

Mamangha muli sa champions biritan nina Jona, Jed Madela, Klarisse de Guzman, at Angeline Quinto kasama sina Jason Dy, Khimo Gumatay, Lucas Garcia, Reiven Umali, Sam Mangubat, JM Yosures, Sheena Belarmino, at Fana. 

At makikanta rin sa rock ballads tapatan nina Gary Valenciano, Zsa Zsa, Erik, Jona, Ogie, at Regine sa "The Greatest Showdown."

Abangan ang lahat ng ito sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.