News Releases

English | Tagalog

Misha de Leon, inawit ang "A Very Good Girl" OST na "Dito Ba"

September 29, 2023 AT 11:47 AM

Tampok sa official soundtrack ng pelikulang “A Very Good Girl” ang “Dito Ba” na binigyan ng bagong rendisyon ni “Idol Philippines” season 2 contestant Misha De Leon.
 


Unang inawit ni Kuh Ledesma ang OPM track na nagkukuwento ng pag-aalinlang sa ginagalawang mundo at ang mga pagbabagong dala nito sa buhay. Isinulat ito ni George Canseco habang iprinodyus naman ni Kikx Salazar ang remake ng awitin.
 
Unang nakilala si Misha nang sumali ito sa ikalawang season ng “Idol Philippines” kung saan napahanga niya ang mga hurado at manonood sa performance niya ng “Oo” at “Sign of the Times.” Ngayong taon, inilunsad niya ang kanyang unang single na “Damdamin” na umarangkada sa ikaapat na pwesto sa Spotify Equal Philippines habang ang awitin naman niya na “Haging” ay napasama sa Spotify Fresh Finds Philippines at Equal Philippines.
 
Samantala, nasasaksihan na sa mga sinehan ang banggaan ng dalawang bituin sa “A Very Good Girl” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo, Dolly De Leon, Angel Aquino, Jake Ejercito, Chie Filomeno, Gillian Vicencio, at Kaori Oinuma.
 
Pakinggan ang bagong bersyon ni Misha ng “Dito Ba” sa “A Very Good Girl” at sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE