News Releases

English | Tagalog

PAHAYAG SA IT'S SHOWTIME

September 04, 2023 AT 06:59 PM

Natanggap namin ang ruling ng MTRCB na nag-uutos na isuspinde ang “It’s Showtime” sa loob ng 12 araw mula sa pinalidad ng desisyong ito. 

 

Kami ay maghahain ng Motion for Reconsideration dahil naniniwala kami na walang nangyaring paglabag sa anumang batas.  

 

Patuloy rin kaming makikipag-ugnayan sa MTRCB para makapagpatuloy ang “It’s Showtime” sa paghahatid ng libangan at saya sa minamahal naming Madlang People. 

 

Buong puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa “It’s Showtime.”