News Releases

English | Tagalog

Drei Sugay, nabighani sa bagong single na "Iyong Mga Mata"

September 05, 2023 AT 11:08 AM

Drei Sugay falls deeply in love in new single "Iyong Mga Mata"

Drei Sugay shows his sweet and romantic side in new single "Iyong Mga Mata."

Tamis ng pag-ibig sa tuwing nasisilayan ang mga mata ng taong mahal ang ibibida ng dating “Idol Philippines” season 2 contestant na si Drei Sugay sa kanyang bagong awitin na “Iyong Mga Mata” na mapapakinggan na simula Biyernes (Setyembre 8).
 
“The song is about falling in love at first sight. Looking into someone's eyes is like looking deep into who they really are. Sabi nga nila, the eyes are the window to the soul, and they never lie,” saad niya.
 
Isinulat ng Star Pop artist ang awitin habang iprinodyus naman ito ng Nameless Kids vocalist na si Nhiko Sabiniano.
 
Unang nakilala si Drei nang sumali siya sa ikalawang season ng “The Voice Teens Philippines” kung saan naging coach niya ang Fil-Am singer na si Apl.de.Ap. Muli siyang bumalik sa entablado nang makasama siya sa “Idol Philippines” season 2 at naging bahagi ng 12 finalists nito. 
 
“From ‘The Voice Teens PH’ and ‘Idol PH,’ dala-dala ko yung learning na always keep moving forward. ‘Wag na ‘wag titigil sa pag-improve and pag-hone ng talent and keep an open mind kasi there's always something na matututunan sa kada situation,” aniya.
 
Bago ang “Iyong Mga Mata,” nakapaglunsad na siya ng dalawang komposisyon na “Ganun Talaga” at “Aking Tangi” sa ilalim ng Star Pop.
 
Pakinggan ang bagong awitin ni Drei na “Iyong Mga Mata” simula Biyernes (Setyembre 8) sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE