News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, isa sa top three employers ng pilipinas para sa mga fresh graduate

September 06, 2023 AT 10:08 AM

Pangalawa sa pinipiling media and communications employer 

 

Kinilala ang ABS-CBN, ang nangungunang content provider sa bansa, bilang isa sa mga nangungunang employer sa Pilipinas para sa fresh graduates ng Prosple Philippines, isang online platform na idinisenyo upang tulungan ang mga mag-aaral sa pagsisimula ng kanilang paghahanap ng trabaho.

Pumangatlo ang ABS-CBN sa Top 100 employers sa buong bansa, habang pumangalawa naman ito sa sektor ng media at komunikasyon.

Pinagsama ng Prosple Philippines ang data mula sa mga application, page view, at graduate review para matukoy ang komprehensibong pagkakasunod-sunod ng mga top employer ayon sa kagustuhan ng mga graduate.

Noong 2022, pinangalanan din ang ABS-CBN bilang isa sa mga nangungunang pinagpipiliang employer para sa mga Pilipinong estudyante at mga fresh grad ng Universum Talent Research.

Para sa mga oportunidad sa trabaho sa ABS-CBN, bisitahin ang careers.abs-cbn.com o sa pamamagitan ng opisyal na account ng ABS-CBN sa Kalibrr, Foundit, at LinkedIn. Maaaring mag-apply ang mga interesadong aplikante sa pamamagitan ng mga opisyal na recruitment channel na ito o maaaring magpadala ng email sa careers@abs-cbn.com.

Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

 

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE