News Releases

English | Tagalog

Kathryn, Dolly at cast ng 'A Very Good Girl,' magpapatalbugan sa 'ASAP Natin 'To'

September 08, 2023 AT 08:15 AM

Kathryn, Dolly, and the stars of 'A Very Good Girl' grace the 'ASAP Natin 'To' stage this Sunday

Feel the payback vibes as Asia's Superstar Kathryn Bernardo and BAFTA and Golden Globe nominee Dolly de Leon glamorously strut the ASAP stage alongside their "A Very Good Girl" co-stars

Abangan din ang pasabog ng 'Fractured' stars, fresh collab nina Kyle at Sarah G, at ang 20th anniversary celebration ni Erik

Sagot na ng inyong paboritong weekend viewing habit ang isa nanamang pasabog na all-star party, tampok ang mga bigating sorpresa mula sa cast ng "A Very Good Girl" nina Kathryn at Dolly at "Fractured" ng tambalang FranSeth, at marami pang iba ngayong Linggo (Setyembre 10) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Todo-todo ang patalbugan sa ASAP stage sa pagdating ng cast ng inaabangang pelikula na "A Very Good Girl," sa pangunguna nina Asia's Superstar Kathryn Bernardo at BAFTA and Golden Globe nominee Dolly de Leon kasama sina Jake Ejercito, Chie Filomeno, Kaori Oinuma, at Gillian Vicencio, na sasabayan ng pagbirit nina Angeline Quinto at Klarisse de Guzman.

Ber months man ay damang-dama ang summer init sa island pasabog ng "Fractured" stars na sina Francine Diaz, Seth Fedelin, Kaori, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner, Sean Tristan, at Raven Rigor.

Maki-throwback din sa '90s hits party nina Alexa Ilacad, Darren, AC Bonifacio, Jed Madela, Fana, Edward Barber, Jameson Blake, Jin Macapagal, Jeremy G, at ang buong ASAP family. Rakrakan to-the-max naman ang hatid ng Rocksteddy at Spongecola kasama si Morissette.

Mas iinit pa ang dancefloor sa solo pasabog ni ASAP's Queen of the Dancefloor Kim Chiu, habang may total collab naman sina Kyle Echarri at Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Abangan din ang pangmalakasang champions biritan nina Jona, Klarisse, Katrina Velarde, Lyka Estrella, JM Yosures, Khimo Gumatay, Sheena Belarmino, at Morissette, pati ang trio divas tapatan nina Zsa Zsa Padilla, Nina, at Regine Velasquez.

Samantala, sariwain din natin ang musika ni American hitmaker na si Tony Bennett sa tribute performance nina Gary Valenciano, Zsa Zsa, Ogie Alcasid, at Martin Nievera.

At bilang pagdiriwang sa kanyang kaarawan at ika-20 taon sa industriya, balikan natin ang timeless hits ng Kapamilya hitmaker at King of Teleserye Theme Songs na si Erik Santos sa kanyang bigating anniversary treat kasama ang OPM icons na sina Gary V., Zsa Zsa, Angeline, Ogie, at Regine, New Gen singers Khimo, JM, at Reiven Umali, pati sina Frenchie Dy at Jolina Magdangal.

Tara at makisaya na sa all-star party na ito mula sa mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

At para naman sa mga Kapamilya natin sa Italy, abangan ang nalalapit na "ASAP Natin 'To" show sa Milan ngayong Linggo (Setyembre 10) sa Mediolanum Forum. Para sa tickets, bisitahin ang https://bit.ly/ASAPinMilanTickets.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.