News Releases

English | Tagalog

Nadine vs. Kathryn: Butch Francisco, Leo Katigbak, pinangalanan ang kanilang bet para sa Best Actress sa "Best 10 Bets"

January 10, 2024 AT 01:03 PM

Bagong showbiz talk show umaarangkada na sa YouTube at Spotify
 
Inilahad ng TV host-actor na si Butch Francisco at film preservation advocate na si Leo Katigbak ang para sa kanila ay Top 10 Filipino Best Actresses of the Modern Era sa kauna-unahang episode ng “Best 10 Bets,” ang bagong showbiz talk show ng FYE Channel na available na sa YouTube.
 
Kabilang sa mga pinangalanan nila ang mga aktres na nasa listahan ni Butch at mga napiling aktres ni Leo na tumatak ang pagganap sa pelikula at mga programang pang-telebisyon mula taong 2000 hanggang sa kasalukuyan.

 
Nanguna sa listahan ni Butch si Nadine Lustre na inilarawan niya bilang “walang ka-inhi-inhibition sa katawan tapos yung features niya parang belong na belong sa community. She’s able to blend in, parang chameleon. Tapos nanalo siyang Urian at marami siyang awards.”
 
Samantala, napili naman ni Leo si Kathryn Bernardo bilang kanyang top pick. “When Kathryn did ‘A Very Good Girl,’ she set herself at a higher bar than everybody else because she was willing to push herself to a new level,” sabi ng ABS-CBN Film Restoration head.
 
Hirit naman ni Butch sa mga pinangalanan nilang artista na patuloy sana nila pagbutihan ang kanilang pag-arte. “May mga bagong sibol dito na sana kung may maipapayo ako bilang nakatatanda—huwag kayong masyadong maging conscious dahil nakilala kayong bigla. Kung anuman kayo ngayon, mag-improve kayo ng craft ninyo pero physically keep it that way.”
 
Sa ikalawang episode ng programa na mapapanood sa Sabado (Enero 13), papangalanan naman nina Butch at Leo ang para sa kanila ay maituturing na Top 10 Love Teams of All Time.
 
“This is a show where we’ll have fun to discuss our picks,” sabi ni Leo na nilinaw na personal sa kanila ang kanilang mga bet at masaya itong pag-usapan. “My list is personal, it’s based on the perspective that I have and the projects I have seen,” paliwanag niya.  
 
Alamin kung sinu-sino ang kasama sa Top 10 Best Actresses nila Butch at Leo sa “Best 10 Bets” na may bagong episode tuwing Sabado, 7pm sa YouTube at malapit na ring mapakinggan sa Spotify. Para sa karagdagang detalye sa “Best 10 Bets,” sundan ang FYE Channel sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE