News Releases

English | Tagalog

BINI, umarangkada sa Spotify PH Viral Chart

January 11, 2024 AT 02:09 PM

Funny at wacky moments ng grupo, patok sa social media

Panibagong achievement ang nasungkit ng female pop group na BINI matapos umarangkada ang kanilang awitin na “Pantropiko” sa top 30 ng Spotify Philippines Viral chart.

Kasalukuyan nasa ika-27 pwesto ang “Pantropiko” na umani na ng 385,000 streams sa Spotify.

Bukod sa kanilang talento, naging viral ang tinaguriang “nation’s girl group” dahil sa kanilang nakakaaliw na personalidad at humor. Noong nakaraang taon, ang happy vibes ng grupo ay nakarating din sa OPM R&B artist na si Denise Julia matapos aprubahan ang viral cover ni BINI Jhoanna ng kanyang awitin na “Lackin.’” Nakisaya rin sina Angela Ken at AC Bonifacio sa kanilang interaction na gumawa rin ng dance cover.

Ipinakita naman ni BINI Stacey ang kanyang spoken poetry skills na binansagan ng fans na tila estudyante na naghahabol ng word count sa essay sa isang promo video para sa UST Paskuhan 2023 concert.

Samantala, naging trending topic din ang nakakaaliw na fan interaction ni BINI Maloi kung saan binigyan niya ng isang libo ang fan para magkaroon ng pamasahe pauwi. Maraming netizens ang natuwa sa video ni Maloi na may mahigit dalawang milyon views at nai-feature din ito sa Korean entertainment website na Koreaboo.

Sinundan din ng netizens ang iba’t ibang videos ng grupo tulad ng kanilang “Ang Kampana” challenge at Thai dance relay ay humakot ng mahigit isang milyong views sa TikTok.

Damhin ang BINI fever at pakinggan ang bagong single nila na “Pantropiko” na available sa iba’t ibang streaming platforms. Sundan ang BINI_ph sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, at mag-subscribe sa kanilang official YouTube channel, BINI Official para sa updates.

Para sa iba pang updates, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.