News Releases

English | Tagalog

"The Remixes" album, inilabas na tampok ang hits nina Vice Ganda, Belle, Maymay, atbp.

January 12, 2024 AT 05:03 PM

“Rampa,” “Bugambilya,” “Tsada Mahigugma” at iba pang 2023 hit songs, may bagong tunog

Inilunsad ng ABS-CBN record label na StarPop ang ikalawang volume ng kanilang remix album kung saan tampok ang mga awitin mula kina Vice Ganda, Belle Mariano, Maymay Entrata, at iba pang Kapamilya artists.
 
Panibagong tunog ang hatid ng remix album na pinangunahan nina Theo Martel at Justine Catalan at iprinodyus ng StarPop label head na si Roque “Rox” Santos. Kasama sa 11 tracks nito ang remix ng “Autodeadma” at “Tsada Mahigugma” ni Maymay, “Rampa” ni Vice Ganda, “Bugambilya” at “Somber and Solemn” ni Belle Mariano, “Ms. Ukay” ni Kim Chiu, “Days” ni KD Estrada, at “Paraiso” ni Anji Salvacion.
 
Mapapakinggan din sa remix album ang mga awitin ng baguhang artists tulad ng “Lovesick” ni CESCA, “Balse ng Gabi” nina CESCA at Maki, at “Moving On” ni Matty J.
 
Inilabas ang unang volume ng “StarPop: The Remixes” noong 2022 kung saan tampok din dito ang iba’t ibang awitin mula sa Kapamilya artists.
 
Pakinggan ang “StarPop: The Remixes Volume 2” na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.